NCR basketball nadepensahan ang ginto sa Palarong Pambansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NCR basketball nadepensahan ang ginto sa Palarong Pambansa

Karl Cedrick Basco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 22, 2018 01:42 AM PHT

Clipboard

Nadepensahan ng NCR ang ginto sa basketball secondary boys sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos nang pataubin ang Davao Region, 100-80. Mark Demayo, ABS-CBN News.

SAN JUAN, Ilocos Sur -- Mananatili ang korona ng basketball sa Big City matapos matagumpay na madepensahan ang ginto sa secondary boys kontra Davao Region, 100-80, sa pagtatapos ng mga askyon sa 2018 Palarong Pambansa sa San Juan, Ilocos Sur.

Maagang umalagwa ang NCR sa laban matapos magtala ng 32-puntos na abante sa gitna pa lamang ng ikalawang quarter gamit ang isang tres ni Terrence Fortea, 64-32, at hindi na lingunin pa ang mga naka-maroon na kalaban.

Kinilalang Most Valuable Player ng liga si Gerry Abadiano ng NCR habang binigyang pagkilala rin ang kaniyang kakampi na si Fortea bilang 3-point king ng Palaro.

"Nag-pickup 'yung depensa namin. Mas experienced 'yung team last year, dalawa lang 'yung natira from that team, ngayon," ani Goldwyn Monteverde na nakamit ang kaniyang ikatlong ginto sa Palaro.

ADVERTISEMENT

Napanatili ng Big City ang malaking bentahe sa second half sa pagtutulungan nina Fortea, Abadiano at Carl Tamayo, miyembro ng Gilas Pool.

Nanguna si Fortea para sa NCR na nagtala ng 28 puntos habang nagdagdag naman sina Abadiano ng 24 at Tamayo ng 14.

Pumukol ng isang basket si Abadiano sa huling bahagi ng ikatlong kanto upang panghawakan ng 30-puntos na kalamangan sa pagpasok ng huling 10 minuto ng bakbakan, 83-53.

Bagamat malayo na ang bentahe ng NCR, nakakuha ng kaunting lakas ang Davao Region upang tapyasan ang kalamangan ng katunggali nang bumuslo ng tres si Aljay Alloso, 71-89.

Naging madali ang kampanya ng NCR patungo sa Finals na pinataob ang lahat ng nakaharap sa eliminations round.

ADVERTISEMENT

Tinambakan ng mga kampeon ang Eastern Visayas, 86-51, bago tinalo ang Central Luzon, 94-76, at SOCCSKSARGEN, 92-75. Hindi rin nila pinaubra ang Central Visayas, 87-58, sa quarterfinals upang makaabante sa semis laban sa Calabarzon.

Giniba ng NCR ang pangarap ng Timog Katagalugan na makausad sa gold medal match nang dispatsahin ang mga ito, 91-81.

Samantala, pinaluhod naman ng Davao ang ARMM sa kanilang panimulang laban sa Palaro, 103-59, bago ungusan ang CAR, 84-70, at Central Visayas, 80-78. Nasilat ng Davao ang tiket sa semifinals matapos lumusot kontra sa Central Luzon, 94-93.

Tuluyang nakapasok sa championship ang Davao nang igupo ang Western Visayas sa Final Four, 85-80, bago yumuko kontra sa NCR.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.