Kramm, minsang natulog sa kalsada bago makamit ang pangarap bilang ML pro player | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kramm, minsang natulog sa kalsada bago makamit ang pangarap bilang ML pro player

Kramm, minsang natulog sa kalsada bago makamit ang pangarap bilang ML pro player

Angela Coloma,

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy: MPL Philippines
Courtesy: MPL Philippines

MANILA -- Dala ang dalawang pares ng damit at mabigat na puso, naglayas si Mark "Kramm" Rusiana mula sa kaniyang bahay sa Litex, Quezon City sa edad na 13, nang pumalag ang kaniyang magulang sa kaniyang hilig sa paglalaro.

"Parang ang sakit sa 'kin lumayas noon kasi parang naiiwan ko ang kapatid ko," ani Kramm, na pangalawa sa apat na magkakapatid, sa ABS-CBN News.

Bago tumungtong sa paglalaro ng Mobile Legends, una nang naglalaro ng mga esports titles si Kramm, gaya ng CrossFire, League of Legends, at iba pa.

Pero tuwing ginagabi siya sa computer shop ay nabubugbog siya umano ng kaniyang ama.

ADVERTISEMENT

"Doon pa lang sa paglalaro ko ng PC games tutol ang family ko kasi iniisip na parang nag-aadik ako ganon, nakikipag-barkada ako ganoon. Kasi po sa lugar namin madami talagang adik at nagma-marijuana," aniya.

"Sinusugod pa ako sa computer shop sabay pipingutin. 'Pag inabutan ako ng gabi parang pag-uwi ko binubugbog ako ganoon," dagdag niya.

Nahumaling siya sa Mobile Legends kalaunan, at dahil hindi pabor ang kaniyang mga magulang sa paglalaro, nagsariling-sikap siya para makabili ng pang-load ng data. Minsan siyang naghugas ng pinggan sa karinderya, nagsilbing house boy, o kaya piggery worker.

Nang maglayas sa kaniyang bahay, nagpalipas siya ng gabi sa isang foot bridge at nagtrabaho sa coconut juice stall sa Commonwealth Avenue para mabuhay.

Kalauna'y kinupkop siya ng kaibigan niyang si Nikkos, kung saan siya nagpapalakas sa Mobile Legends. Matapos noon ay nagpalipat-lipat siya ng koponan hanggang sa umabot siya sa mga malalakas na amateur teams.

ADVERTISEMENT

"May araw na hindi ako nakakakain, o isang beses lang nakakakain. Doon po talaga ako nagbatak nang sobra [ng laro] and may araw ako na hindi natutulog."

Ang ilan pa sa kaniyang diskarte noon ay ang pagkakaroon ng piloting services, o pagra-rank up ng mga Mobile Legends account ng kanilang kustomer, kapalit ng pera.

"Kahit sobrang crash ang phone, nagtitiis ako. Nagka-pera ako and bumili ako ng cellphone ko."

Pero sa kaniyang pinagtuluyan ng panahong iyon, nalasing ang pinsan ng kaniyang host.

"Pinagtangkahan ako na bugbugin, and 'yung point: gusto ako paalisin so pinaalis na ako," ani Kramm.

ADVERTISEMENT

Pansamantalang nanuluyan na si Krammm sa kaniyang bahay hangga't sa umalis ulit siya rito matapos maranasan ang mga dati niyang naranasan. Makalipas ng ilang araw, nagkaroon ng torneyo ang koponang Desolator sa Dumaguete, pero sa kasamaang-palad, hindi sila nakausad.

Lumipat siya sa Kingpins taong 2019, kung saan niya naging coach si Jaypee "Right" Lugtu na coach niya ngayon sa TNC Pro Team; at sa Limit Breakers kung saan nagtagal siya hanggang ma-disband ang koponan noong 2021 nang mabigong pumasok sa MPL Season 7.

Sunod siyang napunta sa Amihan Esports kung saan nagtagal siya ng isang buwan, hangga't sa nakuha niya ang mas malaking break sa ArkAngel na naging tulay niya para makapunta sa professional teams.

"Noong time na 'yon, EXP-laner ang hinahanap; eh gold lane ako noon. Bigla po akong nag-switch ng role and naging maganda ang laro ko and pinalad na makuha. Siguro 5 ang nag-tryout at ako nakuha. Six months ako doon," ani Krammm.

Sa ArkAngel nakasama ni Krammm si Jomie "Escalera" Delos Santos na itinuring niyang "kuya." Dito na sila nagsimulang mag-try out para sa professional teams.

ADVERTISEMENT

"After po noon, ongoing na ang MPL Season 9 ang iba sa 'min kinukuha na sa Bren. Parang kami na lang ni Escalera ang parang natira. Ang plan ko po noon is mag-aral na lang sabay niyaya oo ako ni Jomie na mag-try out sa TNC," ani Krammm.

Aminado noon si Kramm na nawalan na siya ng pag-asa. Pero laking gulat niya nang tanggapin siya.

"Noong top 20 na po, ako po 'yung nakuha nila and pinalad din po. December 30, 2021."

Ayon sa manager ng TNC Pro Team na si Ingrid Ignacio, mahiyain si Kramm nang pumasok siya sa TNC taong 2021, at kinimkim din umano ni Kramm ang mga napagdaanan niya hanggang sa mag-team building sila.

"Mismong araw din ng team building, lumayo siya dahil sa sinabi ng teammate niya. Nagsa-stutter before si Kramm, and binubuo ni Escalera 'yung salita niya para maintindihan ng iba," ani Ignacio sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

"Kaya pala siya sensitive kasi ang dami niyang pinagdaanan and isa 'yun sa reason lahat ng team pati coaches, and owner namin, sobrang determined ng coaches namin, dahil kay Krammm."

Hindi inaasahan ni Krammm na ang kanilang roster noon ang magdadala sa TNC sa kanilang pinakamagandang finish sa MPL simula nang mabuo noong MPL Season 8. Nagtapos sa ika-3 puwesto ang TNC, at itinuring isa sa mga powerhouse noong regular season.

"Sorbang saya po. Kahit kami po hindi namin in-expect. Pati ng fans na parang sinasabi na top 8 secured. Kami rin ginawa naming biro. 'Di namin in-expect parang magiging top 2 sana. Sobrang saya po. Hindi ko in-expect na mag-top 3 sa first MPL ko po."

Nang bisitahin ng ABS-CBN News ang bootcamp ng TNC nitong Marso, bakas ang pakikipagsundo ni Kramm sa kaniyang mga kakampi, at nakikipagkantiyawan pa sila habang kumakain.

Sa kaniyang pagtungtong sa professional scene, natulungan na niya rin kahit papaano ang kaniyang mga magulang sa pantustos sa bahay, bagama't hindi pa rin umano sila nagkakasundo ng kaniyang ama.

ADVERTISEMENT

"Dati po is hindi pa nila ako sinusuportahan. Noong time na 'yon hindi ko alam kung may kalalagyan pa ako dito. And ngayon na nalaman nila na nagka-salary ako, bigla po ako sinusuportahan and nagpapadala sila and tumutulong po ako sa kanila, sinusuportahan ako," ani Kramm.

Hindi makapaniwala ang 17 anyos na mas giginhawa na ang kaniyang buhay. Kung noon kasi na minsa'y hindi siya kumakain o kaya nagpapalipas ng gabi sa kalsada, ngayon ay nanunuluyan na siya sa malaking boot camp sa Quezon City.

"Looking back sa experience ko nagpapasalamat ako. Noong time kasi na 'yon, wala akong kinikilala sa taas. Noong nagi-istruggle ako. Sobrang na-realize ko na nagpapasalamat ako kay God. Kasi kung 'di rin dahil sa Kaniya, siguro wala din ako dito na noong naghihirap ako nandyan ako ginagabayan ako."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.