Babae ginilitan ng sariling asawa sa Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae ginilitan ng sariling asawa sa Cebu

Oslob Police Station
.jpg)
Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng Oslob Police Station ang isang 73-taong-gulang na mister na suspek sa pagpatay sa sarili niyang asawa.

Ayon kay Police Major Jude Cebrero, hepe ng Oslob Police Station, nangyari ang insidente sa Barangay Upper Calumpang Biyernes ng gabi pero kinaumagahan na nang maireport sa kanila.

“Natagpuan ng anak sa loob ng bahay,” ani Cebrero.

Nakahandusay na ang biktimang 72 taong gulang at may sugat sa leeg pati na sa ibang bahagi ng katawan.
Nakahandusay na ang biktimang 72 taong gulang at may sugat sa leeg pati na sa ibang bahagi ng katawan.
ADVERTISEMENT
Batay sa kanilang imbestigasyon, nagkaroon ng alitan ang mag-asawa.

“Based on our interview sa suspect, misunderstanding,” dagdag ni Cebrero.

Dahil aniya sa galit, kumuha ang mister ng karit at ginilitan ang leeg ng kaniyang asawa na ikinamatay niya.

Napag-alaman ng PNP na bago tumakas sa pinangyarihan ang suspek, nanghiram ito ng P500 sa kapitbahay at motorsiklo.

Sa ikinasang hot pursuit operation at sa tulong ng mga kamag-anak ng suspek, natunton nila ang mister na nagtago sa Barangay Basak, Mandaue City.

Kaagad siyang dinala sa Oslob Police Station. Nakuha naman ng awtoridad ang ginamit niyang patalim sa krimen.

Sa ngayon, hinahanda na ang kasong parricide laban sa kaniya.