3 preso tumakas sa Fishport Custodial Facility sa Taytay, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 preso tumakas sa Fishport Custodial Facility sa Taytay, Rizal

3 preso tumakas sa Fishport Custodial Facility sa Taytay, Rizal

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Tinutugis na ng pulisya ang tatlong preso na tumakas sa Fishport Custodial Facility sa Samagta Floodway, Bgy. San Juan, Taytay Rizal nitong Martes ng madaling araw.  

 

Batay sa report mula sa Taytay Municipal Police Station, tumakas sina alyas "Ron" at "Mark" na may kasong may kinalaman sa droga, at alyas "Carl" na may kasong may kinalaman sa armas.

 

Nadiskubreng pumuga ang tatlo 4:45 ng madaling araw sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng.

 

Sinira ng tatlong preso ang metal frame ng kulungan para makatakas. 

ADVERTISEMENT

 

Nananawagan ang Taytay Municipal Police Station sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng tatlo. Handa ang pulisya na magbigay ng tig-P10,000 pabuya.

 

Tumawag lamang anila sa numerong 0917-163-3556 o 0998-598-5730.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.