PBA player na si John Amores pinaghahanap sa kasong pamamaril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBA player na si John Amores pinaghahanap sa kasong pamamaril

PBA player na si John Amores pinaghahanap sa kasong pamamaril

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 26, 2024 09:39 AM PHT

Clipboard

John Amores of NorthPort. PBA ImagesJohn Amores of NorthPort. PBA Images

MAYNILA -- Nahaharap sa kasong attempted murder ang PBA player na si John Amores matapos na paputukan nito ng baril ang kanyang nakainitan sa larong basketball sa  Lumban, Laguna nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa inisyal na report ng Lumban police, dakong alas 6 ng gabi, naglalaro ng basketball si Amores sa isang court sa Barangay Salac, Lumban, nang makasagutan nito ang isa sa kanilang  kalaban  na isang seaman.









PBA player na si John Amores pinaghahanap sa kasong pamamaril



Share






0:00/0:00






Nagkahamunan pa ang dalawa na magsuntukan sa Barangay Maytalang Uno kaya sumakay ng motorsiklo si Amores patungo sa lugar.

Sumunod naman sa kanya ang nakamotorsiklo ding biktima.

ADVERTISEMENT

Naunang dumating sa lugar si Amores at ng habang pababa sa motorsiklo ang biktima ay bigla itong pinaputukan ni Amores ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Hindi naman tinamaan ang biktima samantalang mabilis na umalis si Amores.

Nagsasagawa pa ng manhunt operation ang mga awtoridad para mahuli si Amores.

Tumanggi munang magbigay naman ng pahayag ang PBA habang isinasagawa pa ang imbestigasyon. Si Amores ay naglalaro para sa NorthPort Batang Pier.

Matatandaang nag-amok si Amores sa isang NCAA game noong 2022, noong siya ay naglalaro pa sa Jose Rizal University. Nanuntok si Amores ng mga player ng College of St. Benilde noong Season 98, dahilan kung kaya't siya ay tinanggal sa basketball program ng Heavy Bombers.

Tumanggi rin munang magbigay ng pahayag ang NorthPort. Kinuha ng NorthPort si Amores noong fifth round ng PBA Season 48 Rookie Draft, matapos nitong maglaro sa MPBL.

KAUGNAY NA ULAT:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.