Higit 100 SK officials tinamaan ng food poisoning sa SBMA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 SK officials tinamaan ng food poisoning sa SBMA

Higit 100 SK officials tinamaan ng food poisoning sa SBMA

ABS-CBN News,

Jessie Cruzat

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Umabot sa 163 indibidwal ang halos sabay-sabay na isinugod sa iba’t ibang ospital matapos umanong tamaan ng food poisoning sa isang hotel sa Subic Bay Metropolitan Authority nitong Martes.

Ayon kay Armee Llamas, head of SBMA Public Affairs Department, ang 163 na indibidwal ay kabilang sa 335 na Sangguniang Kabataan at City Officials ng San Carlos City, Pangasinan na dumalo para sa isang seminar sa isang hotel sa Olongapo City.

Bigla na lamang umanong nakaranas ng pananakit ng tiyan ang ilang SK official sa gitna ng talakayan sa naturang seminar.

“Generally, it was a stomach ache. So, initially tiningnan po no’ng kanilang company nurse and eventually para nga po makasigurado, tinurn-over na po sila sa different hospitals dito sa loob tsaka sa labas and even in Zambales,” saad ni Llamas.

ADVERTISEMENT

Tumulong ang SBMA sa pakipag ugnayan sa mga ospital kung saan dinala ang mga umano'y tinamaan ng food poisoning.

Ang ilan sa mga isinugod sa ospital, nakaranas pa umano ng pagsusuka at pagkahilo na agad binigyan ng paunang lunas. 

Ayon naman kay Olongapo Mayor Rolen Paulino Jr, hindi sakop ng Olongapo ang lugar kung saan nangyari ang food poisoning.

"'Yung hotel, sa SBMA nangyari. Hindi siya sakop ng Olongapo. Kami lang 'yung malapit na LGU," aniya.

Dagdag niya, tinitingnan din ang anggulo na baka sa tubig o sa yelo nanggaling ang food poisoning.

Ayon sa SBMA, ipinadala na sa Department of Health Pampanga ang food sample mula sa tinuluyang hotel ng mga SK official habang kumuha na rin dito ng water sample ang Subic Water para masuri ang kalidad ng inuming tubig mula sa hotel.

Malalaman umano ang resulta ng gagawing pagsusuri sa loob ng 24-48 oras.

“Kung sakali po if found na merong pagkukulang talaga, mag-i-impose po ng sanctions ang SBMA pero of course, this will have to happen after all the results are in,” ayon kay Llamas. 

Bukod sa SBMA, nagpaabot na rin umano ng tulong ang Olongapo City LGU sa mga umanoy tinamaan ng food poisoning.

“Kausap ko rin kanina ‘yong management ng hotel and ang sabi naman po nila, sila po ang magko-cover ng cost ng lahat ng affected,” dagdag ni Llamas.

Pasado alas 9 ng gabi nitong Martes, tatlong pasyente na lamang umano ang nasa ospital at patuloy na inoobserbahan ayon sa SBMA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.