8 patay, 8 sugatan sa salpukan ng van at truck sa Sariaya, Quezon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 patay, 8 sugatan sa salpukan ng van at truck sa Sariaya, Quezon

8 patay, 8 sugatan sa salpukan ng van at truck sa Sariaya, Quezon

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 18, 2024 07:59 PM PHT

Clipboard

MAYNNILA -- Umakyat sa walo ang bilang ng nasawi sa salpukan ng van at trak sa Sariaya, Quezon Linggo ng umaga.

Ito ay matapos masawi ang isa pang biktima kaninang alas 11 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Lucena City.

Unang namatay ang pito, kung saan tatlo ang dead on the spot at apat ang dead on arrival sa iba't ibang ospital sa Candelaria, Sariaya at Lucena.

Apat pa ang ginagamot ngayon sa ospital.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Police Lt. Col. Carlo Caceres, nakatulog ang driver ng van.

"Isa po sa nakita namin dahilan kaya nangyari ang aksidente kasi ay lumiban yung linya ng van sa linya ng trak which is ang presumption nakatulog ang driver," ani Caceres.

Nagtamo din ng mga sugat ang driver ng truck at ginagamot pa rin sa ospital.

Ayon sa kanya, napansin niya na tila natutulog ang driver ng van habang tumatakbo pasalubong sa kanyang linya.

Pinilit pa daw niya itong iwasan, subalit mabilis anya ang takbo ng van na noon ay nasa palusong na bahagi ng highway.

"Nakita ko siya tulog,  hindi ko po siya naiwasan, akala ko overtake siya may nasa unahang tricycle sakanya yun pala tulog na siya hindi naman ako makaiwas kasi may kotse don na lumabas sa ano, iiwas sana ako pero hindi na ako nakaiwas eh," ayon sa driver.

Dumating na rin ang ilang kaanak ng mga biktima, subalit wala pa ang mga itong desisyon habang hinihintay pa ang iba pa nilang kaanak.

KAUGNAY NA ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.