Ilang motorista stranded sa Marcos Highway dahil sa mataas na baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang motorista stranded sa Marcos Highway dahil sa mataas na baha

Ilang motorista stranded sa Marcos Highway dahil sa mataas na baha

Job Manahan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2024 07:05 AM PHT

Clipboard

CAINTA, Rizal – Mistulang parking lot ang Marcos Highway nitong Huwebes ng madaling-araw dahil hindi makadaan ang ilang sasakyan bunsod ng gutter-deep hanggang tuhod na baha.

Nagsimula ang traffic buildup sa Marcos Highway-Ortigas Extension at aabot ito hanggang sa may mall sa Masinag, sabi ng Cainta Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO). 

Isa sa mga motoristang apektado ay si Cristobal Magarao na driver sa isang drive-hailing app. Miyerkules pa aniya ng 8 p.m. siya nasa kalsada at pinili na umano niyang hindi umabante dahil baka masira ang makina ng kanyang sasakyan. 

Taga-Mayamot, Antipolo si Magarao at galing siya sa Maynila mula sa kanyang mga biyahe. 

ADVERTISEMENT

“Mahirap kasi maaga ako lumabas kanina… pagbiyahe ko naman baha naman pala,” sabi niya. 

“Pag kaya na bumiyahe bukas, babiyahe na ako,” dagdag ng motorista. 




Mula 3 p.m. pa nitong Miyerkules nasa Marcos Highway si Eulysses Dator. Pauwi na rin sana siya sa Antipolo galing sa Quezon City. 

“Instead na nagpapahinga na tayo, andito pa rin tayo sa kalsada. Late na rin, kinabukasan may pasok pa ulit. Nangyayari naman talaga ito sa Marcos Highway pero hindi ganoon katagal ang baha,” ani Dator. 

“Dumating ako late na. Yung tinatanong namin, lagpas hita pa ang baha. Ang sasakyan na hindi ganoon kataas, papasukin ang loob. Mahirap makipagsapalaran,” aniya. 

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Dator, makakapasok pa rin sa carpeting ng sasakyan ang baha at mahal umano magpapalit o magpalinis nito kaya titiisin na lang niya ang paghihintay hanggang humupa ang baha. 

Ang pasahero na si Jocelyn Lleve, nakapaa na para sana lumusong sa baha pero pinigilan aniya siya ng ibang tao sa lugar para na rin sa kanyang seguridad. 

Galing pa siya ng Quezon province at pauwi na sana ng Antipolo City at naghihintay ng sundo. 

“Nagpababa kami dito, dumaan kami ng Cubao. Hindi na kami makadiretso gawa ng baha. Traffic pa,” sabi niya. 

“Balak ko na maglakad papunta, diyan sa kabila. Hindi na kami tumuloy gawa ng malalim na raw doon,” dagdag niya. 

ADVERTISEMENT

Sabi ng Cainta disaster office, hanggang bewang pa ang baha sa ilang parte ng Marcos Highway pasado hatinggabi. 

Hindi umano ito madadaanan ng mga maliliit na sasakyan pati truck, at heavy duty na mga trak lang muna tulad ng military vehicles ang makakadaan. 

“As of now, halos nasa 50 percent ng Cainta ang hindi pa rin totally subsided ang [flooded] areas. Specifically sa Karangalan [Village]… sa may Marcos Highway,” sabi ng CDRRMO dispatch sa panayam sa ABS-CBN News.

“Huwag na lang po muna nila ipilit [dumaan] kasi baka ma-stranded especially sa Ortigas Extension ng Cainta,” dagdag nito. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.