Red alert itinaas sa lalawigan ng Cagayan, Batanes dahil sa bagyong Carina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Red alert itinaas sa lalawigan ng Cagayan, Batanes dahil sa bagyong Carina

Red alert itinaas sa lalawigan ng Cagayan, Batanes dahil sa bagyong Carina

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa ilalim na ng red alert status ang mga lalawigan ng Cagayan at Batanes simula Linggo. 

Red alert itinaas sa lalawigan ng Cagayan, Batanes dahil sa bagyong Carina

Alinsunod ito sa Memorandum Number 82 series of 2024 ng Office of Civil Defense Region 2. 

Dahil dito pinaghahanda na ang mga lokal na pamahalaan at rescue unit sa posibleng epekto ng bagyong Carina.

Sa Cagayan, nararanasan ang malakas na pag-ulan simula pa nitong weekend.

ADVERTISEMENT

Naka-standby na ang mga rescue asset pati ang Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team na nakatutok sa mga nasasakupang lugar. 

Nakataas din ang red alert status sa coastal areas ng Isabela kabilang ang Dinapigue, Divilacan, Maconacon at Palanan gayundin ang mga bayan ng San Mariano, San Pablo, Tumauini, Cabagan at Ilagan City.

Blue alert status naman sa mga lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Samantala, nakaalerto na rin ang Philippine Coast Guard Northeastern Luzon.

Inihanda na nila ang mga rescue equipment at purpusan na rin ang monitoring sa mga nasasakupang lugar sa Cagayan, Batanes, Calayan at Aurora.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.