7 menor de edad, 3 iba pa nasagip sa prostitusyon sa Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 menor de edad, 3 iba pa nasagip sa prostitusyon sa Pampanga

7 menor de edad, 3 iba pa nasagip sa prostitusyon sa Pampanga

Niko Baua,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 19, 2024 08:50 PM PHT

Clipboard

Sa isang liblib na resort sa Pampanga, inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division na rescue ang nasa 10 biktima na sangkot umano sa prostitusyon.  

Pito sa kanila ay mga menor de edad na nasa edad 14 hanggang 17. Buntis pa umano ang isa sa mga 14 anyos.

Inaresto naman ang umano'y bugaw nila na 16 anyos lang din.

Ayon sa biktimang si Anne, ikatlong beses na niya itong sumama sa pambubugaw, at walang ka-alam alam ang kanyang magulang.

ADVERTISEMENT

“Ginawa ko ulit kailangan ko kasi ng pambili ng gamit sa school,” ayon kay Anne.

Hindi na nagulat ang kapatid ng suspek. Bagama't sila'y nagsisisi, pero nakikinabang umano sila sa perang dinadala ng kapatid, para sa pangtustos ng pamilya.

”Sinabihan ko siya dati na magtrabaho ng magandang trabaho na maayos para maganda ang tingin sa kanya ng anak niya, hindi siya nakikinig," ayon sa kapatid ng suspek.

Ang ikinagulat pa ng mga operatiba sa kaso na ito, ay ang bugaw pa mismo umano ang nakahanap ng resort kung saan dadalhin ang mga biktima para sa mga kliyente.

”Ang nakakatakot matapat sila sa mga sadista o sa mga taong nananakot habang nag-eengage ng criminal activity na maaring ikapahamak nila,” ayon kay Atty. Olga Angustia-Gonzales, hepe ng Anti-Human Trafficking Division.

ADVERTISEMENT

Problema rin umano ang kakulangan ng impormasyon ng mga batang suspek, na walang piyansa ang human trafficking kapag ang biktima ay menor de edad, at mabigat ang parusa nito. 

“Pag bata kasi parang they don't say no, pag nandoon sila parang sige may pera naman may bayad naman. At yung profile nila mas mahalaga ang material na bagay kaysa sa values," ayon kay Gonzales.

Dinala na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima. Ang suspek naman ay mananatili din sa DSWD hanggang umabot siya sa edad na 18 para harapin ang kasong human trafficking.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.