Bagong oil spill namataan sa baybayin ng Pola, Oriental Mindoro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong oil spill namataan sa baybayin ng Pola, Oriental Mindoro

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2024 06:44 PM PHT

Retrato mula kay Michael Aguilar Rivera

MAYNILA — Nakitaan ng kalat-kalat na oil spill ang dalawang baybaying barangay ng Pola, Oriental Mindoro nitong Martes ng umaga.

Sa inisyal na joint coastal assessment ng Environmental Protection Unit ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Oriental Mindoro, namataan ang bakas ng oil spill sa Barangay Buhay na Tubig at Barangay Bacawan bandang 7 a.m.

Sa Barangay Buhay na Tubig, umabot ng 650 metro ang haba ng apektadong area, partikular sa baybaying dagat ng Sitio Proper I, Sitio Proper II, at Sitio Batalan Ibaba.

Sa Barangay Bacawan naman, 100 metro ang naapektuhang baybayin ng Sitio Proper, 100 metro sa Sitio Recodo, at 50 metro sa Sitio Munting Buhangin.

ADVERTISEMENT
Nakalanghap naman ang mga residente ng mabahong amoy ng langis mula sa dagat.

Nakakolekta na ang mga awtoridad ng nasa tatlong sako ng "oil-contaminated debris."

Matatandaang Mayo 6 nang makitaan ng tar balls ang Kabilang Ibayo Beach sa Barangay Batuhan, Pola, Oriental Mindoro na kaagad din namang nalinis ng Philippine Coast Guard

Inaalam na ng PCG kung ano ang pinanggalingan ng tagas ng langis.

Sa panayam, sinabi ni Capt. Airland Lapitan na kumuha na ng sample ng langis ang PCG Marine Environmental Protection para masuri sa laboratoryo.

Ani Lapitan, tinitingnan nilang anggulo na baka may nag-discharge na barko habang naglalayag sa lugar o baka akidenteng may natapong langis doon.

Imposible din daw na mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress nanggaling ang tagas dahil matagal na aniyang walang lamang langis ang tanker.

Ipinadala na aniya nila sa laboratory ang sample ng nakolektang langis para sa analysis. —Ulat ni Noel Alamar

Read More:
Oil spill Pola
Oriental Mindoro
MT Princess Empress
Oil Spill
Philippine Coast Guard
DENR EMB
CGS Oriental Mindoro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT