Iba pang umano’y Chinese military uniform, torture device natuklasan sa POGO hub sa Porac | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Iba pang umano’y Chinese military uniform, torture device natuklasan sa POGO hub sa Porac

Iba pang umano’y Chinese military uniform, torture device natuklasan sa POGO hub sa Porac

Gracie Rutao,

Victoria Tulad,

Raffy Santos,

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 12, 2024 04:54 PM PHT

Clipboard

Courtesy: CIDG

Courtesy: CIDG


Sa ikalimang araw ng paghahalughog sa Lucky South 99 compound sa Porac, Pampanga, may mga panibagong gamit pa na natuklasan ang mga awtoridad.

 
Kinumpiska ang apat na pares ng mga umano’y unipormeng militar ng China, dalawang pares ng combat shoes, at anim na safety vault sa Building 11. 

 

Sa Building 3 naman, nakumpiska ang mga system monitors kung saan kita ang halos kabuuan ng pasilidad.


Courtesy: CIDG

Courtesy: CIDG


Nakakuha rin muli ng computers at computer parts, cellphones, SIM cards, at mga torture device.



Sa Building 36, nakakuha ng 3 live CCTV.


Isang watawat naman ng China ang natagpuan ng mga awtoridad sa Building 15. 


Courtesy: CIDG

Courtesy: CIDG


Sa Building 12, bumungad ang dalawang vault, mga computer at nasa ilang libong cellphone. 


Kumpiyansa ang mga awtoridad na matatapos ang implementasyon ng search warrant sa loob ng 10 araw. Nitong Martes, nasa 29 mula sa 46 na gusali na ang kanilang napasok.



Ininspeksyon din ng mga awtoridad ang isang kalapit na abandonadong hotel at driving range. 


"Abandoned na siya.. siyempre kailangan natin alamin kung merong kuneksyon ito sa POGO hub o may dinadala ba dyan," ayon kay P/Lt Col Imelda Reyes, spokesperson ng Criminal Investigation and Detection Group.


May isang hilera naman sa compound na puro restaurant. Sinimulan nang ilabas ng mga operatiba ang mga nabubulok na pagkain mula rito.

ADVERTISEMENT


IMBESTIGASYON



Iniimbestigahan ang mga natagpuang uniporme na kamukha ng sa People's Liberation Army at People's Armed Police of China.

"Hindi tayo sigurado kung ito ba talaga ay mga original na uniform at talagang mga military nung nasabing bansa yung may mga suot nito dahil alam natin na may mga uniporme tayong nabibili sa mga shops and even ang PNP laging nabibiktima diyan at may mga instances na nakakahuli tayo na may mga suot na uniporme. So it is too early to say na ito ay mga original at genuine military uniforms," sabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo. 

Nakipag-ugnayan na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Chinese embassy ukol sa mga uniporme. 


Sabi ni PAOCC Chief Undersecretary Gilbert Cruz, maaaring ang mga uniporme ay pag-aari ng mga Chinese na sundalo o pulis na nag-retire o nag-absent without official leave. Posible rin aniyang props lang ang mga uniform.  

  

Sinabi naman ng PAOCC na magsasampa ito ng reklamong human trafficking laban sa hindi bababa sa 15 indibidwal na konektado umano sa Lucky South 99. 


Kasama sa mga kakasauhan ang may-ari at incorporator ng POGO at mga umano'y sangkot umano sa torture, dagdag ni Cruz. 


Noong Hunyo 8, nahuli ng mga awtoridad ang isang dayuhan habang nangunguha ng mangga sa compound. Nakilala siya bilang ang puganteng si Wu Lifeng, na pinaniniwalaang “master torturer”.


May nahanap umano sa cellphone niya na mga litrato ng mga patay na tao. Isinasailalim sa forensic scrutiny ang naturang cellphone. 


Nahuli rin ng mga awtoridad ang 2 boss ng Lucky South 99 at 3 hinihininalang pugante.   



MGA ILEGAL NA POGO



Sa taya ng PAOCC, higit 300 pa ang iligal na POGO sa bansa at karamihan ay nasa Metro Manila at Luzon. Batay sa records ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), nasa 46 to 49 POGOs lang ang lisensyado.  


“There are a lot of red flags, there are a lot of indicators na ‘yung isang building na ‘yan may POGO operation. Halimbawa po kapag gabi kita mo ilaw na ilaw ‘yung ano, yung building. Number two ‘yung nagkalat na foreign national sa paligid. Number 3 yung mga stores like groceries, restaurants na nagkakalat po sa lugar na malapit sa POGO, so ibig sabihin may POGO talaga,” sabi ni Cruz.   


“Imposibleng hindi po malaman ng local government,” he added.  

   

Para naman kay National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo De Leon, dapat suriin ang polisiya ng bansa sa POGOs. ne. 


“Are we gaining or are we losing more especially on impact sa moral values ng tao?” sabi niya. 





ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.