4 pulis na sangkot sa pagtataksil na nauwi sa barilan, sinibak sa pwesto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 pulis na sangkot sa pagtataksil na nauwi sa barilan, sinibak sa pwesto

4 pulis na sangkot sa pagtataksil na nauwi sa barilan, sinibak sa pwesto

 | 

Updated Apr 29, 2024 04:15 PM PHT

Clipboard

Sinibak sa pwesto ang apat na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna, sinabi ng Philippine National Police ngayong Lunes. 

Sinampahan din ng administrative at criminal cases ang mga pulis, ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo.  

"Kinasuhan ng appropriate cases yung 2 involved na pulis at ni-relieve na rin sila sa puwesto, maging yung 2 rin po na other parties na ni-relieve na rin sila at nasampahan na rin ng kaso," ani Fajardo.

Matatandaang naaktuhan ng dalawang pulis ang kanilang mga asawang pulis din na nagtatalik umano sa nakaparadang sasakyan sa parking lot ng isang mall sa Calamba, Laguna noong Abril 25.   

ADVERTISEMENT

Parehong police executive master sergeant (PEMS) ang mga nagtaksil umanong pulis, habang may ranggong police major at police master sergeant (PMSG) ang kanilang mga asawa.

Sinubukan umanong tumakas ng mga ito kaya binaril ng major ang gulong ng sasakyan. Nang makorner, dito naman binaril ng police master sergeant ang asawa na tinamaan sa hita at balikat. 

Narecover ang baril na pag-aari ni PMSG at baril ni Major na parehong 9 mm.

“Nagka-conduct na po ng motu propio investigation ang Laguna Provincial Internal Affairs Service (PIAS) namin, so para malaman natin ano ba ang nangyari at malaman din bakit sila nagpaputok ng baril at titignan din kung meron pa po bang ibang natamaan o na-involved sa pagpapaputok nila,” sabi ni Regional Internal Affairs Service Calabarzon PIO Police Captain Virgilio Eupeña. 

“Dun pa lang po sa report ng Calamba Police Station na talagang meron naman po ng nagpaputok ng baril, initially yun po ang tinitignan natin kung yung extent ng violation po nung dalawang pulis na nagpaputok ng baril… Ang baril po ng pulis, dini-discharge po lamang kapag when your life is in danger, kailangan po meron tayong basehan para mag-discharge ng baril kapag ang ating buhay eh nasa alanganin po,” dagdag ni Eupeña.

ADVERTISEMENT

Bukod sa kasong kriminal maaaring maharap sa kasong administratibong grave misconduct ang mga PEMS na sangkot kung ireklamo ang mga ito ng kanilang mga asawa sa RIAS.

“As a law enforcer we should live in accordance with the law and should conduct ourselves in a manner that will not place the PNP in bad light,” sabi ni Eupeña.

Nananatili naman sa ospital ang nabaril na pulis. 








ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.