2 pulis nahuli sa mall parking lot ng mga asawa nilang pulis din | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis nahuli sa mall parking lot ng mga asawa nilang pulis din

ABS-CBN News
Published Apr 27, 2024 11:59 AM PHT
|
Updated Apr 29, 2024 05:11 PM PHT

LAGUNA (UPDATED) — Nahaharap sa kasong adultery at concubinage ang dalawang pulis matapos silang maaktuhan na nagtatalik sa isang parking lot ng isang mall sa Laguna.

Ang nakahuli sa kanila ay ang kanilang mga asawa na mga pulis din.

Ayon sa report, matagal na umanong nagdududa ang kanilang mga asawa na may relasyon ang lalaking opisyal ng pulis na 40-anyos at ang 41-anyos na babaeng enlisted personnel.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga nagrereklamong asawa ng mga pulis na nasa isang mall sa Laguna ang dalawa nitong Huwebes, agad nila itong pinuntahan.

Nakita nila ang sasakyan ng isa sa mga pulis sa parking lot at nang kanilang tingnan ay natuklasang nasa loob ang dalawang pulis at nasa akto ng pagtatalik dakong alas 10 ng umaga.

2 PULIS, NAGTANGKANG TUMAKAS
Nang komprontahin ng mga complainants, tinangka pang tumakas ng dalawa at akma pang sasagasaan ang kanilang mga asawa, subalit nabaril ng lalaking pulis ang gulong ng sasakyan ng kanyang misis.

Tumalon sa sasakyan ang suspek na lalaking pulis at akmang tatakbo subalit nabaril naman ito ng kanyang asawa at tinamaan sa balikat.

Tuluyan namang nakatakas ang misis ng opisyal at pinatakbo ang sasakyan kahit flat ang na ang gulong.

Isinugod ng iba pang nagrespondeng pulis ang sugatang lalaking suspek sa isang ospital sa Laguna samantalang pinaghahanap ngayon ang babaeng pulis na tumakas patungo sa direksyon ng Bataangas.

Sinampahan na ng kaso ang dalawa.
Sinampahan na ng kaso ang dalawa.
Ayon sa Police Officer's Creed ng Philippine National Police, ang mga pulis ay dapat maging mabuting halimbawa sa buhay pamilya at sa pagiging tapat sa asawa.

— Ronilo Dagos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT