University of Eastern Philippines lipat muna sa blended learning dahil sa mainit na panahon | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

University of Eastern Philippines lipat muna sa blended learning dahil sa mainit na panahon

University of Eastern Philippines lipat muna sa blended learning dahil sa mainit na panahon

ABS-CBN News

Clipboard

NORTHERN SAMAR —  Ipatutupad simula Lunes, Abril 22, ang blended learning modality sa University of Eastern Philippines sa bayan ng Catarman, Northern Samar bunsod ng matinding init ng panahon.

Ito ang nakasaad sa utos ng university president matapos ilang araw nang makaranas ang bayan ng mataas na heat index.

Base sa kautusan, modular at online classes ang ipatutupad sa undergraduate studies, law at graduate school, elementary, high school at external campuses ng unibersidad.

Ipatutupad ang blended learning hanggang Abril 28.

ADVERTISEMENT

Ayon sa state weather bureau na PAGASA, 44 degrees Celsius ang pinakahuling heat index na naitala sa Catarman noong Biyernes at posibleng kaparehong temperature rin ang maitala sa darating na linggo.

Maituturing nang nasa danger category ang naturang temperatura, ayon sa PAGASA.

Payo ng PAGASA sa publiko ay laging magdala ng mga panangga sa init at uminom ng maraming tubig para maiwasan ang heat stroke at heat exhaustion.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.