Grade 8 student patay matapos barilin sa ulo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grade 8 student patay matapos barilin sa ulo

BATANGAS — Patay ang isang babaeng grade 8 student matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Banyaga, Agoncillo, Batangas, umaga nitong Miyerkules, Abril 17.

Ayon kay Agoncillo Municipal Police Station Officer-In-Charge Police Major Broderick Noprada, papasok sana sa paaralan ang biktima nang tambangan ng gunman.

“Yun naman pong eskwelahan katapat lang po halos ng bahay nila. Noong papasok bata ho doon ho, biglang lumabas suspek, binaril niya po yung bata at after po nun tumakas," sabi ni Noprada.

Nakasuot umano ng itim jacket at helmet ang suspek na nasa edad 30 pataas at sakay ng itim at orange na motor.
Nakasuot umano ng itim jacket at helmet ang suspek na nasa edad 30 pataas at sakay ng itim at orange na motor.
ADVERTISEMENT
“May mga witnesses po tayo kaso hindi ho nila masyadong namukhaan o di ho nila maibigay sa amin yung tamang description po ng ating suspek kaya medyo nahirapan po kami kahapon na makakuha po ng lead… May nakabiruan pa ang suspek, akala po kasi ng mga nandun ay naghahatid lang din ng anak, dahil noong oras na iyon marami rin magulang na naghahatid ng anak. Nakatambay siya doon," dagdag ni Noprada.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen dahil ayon umano sa mga kaanak ng biktima, wala namang banta sa buhay niya.

“Wala naman daw po kaaway o ano bata kahit po dun sa Cuenca chineck po natin baka kako meron na-witness bata na isang insidente at siya ay testigo o biktima ng pang-aabuso. Eh wala naman po tayong nakuha," sabi ni Noprada.

Patuloy ang pagkalap ng impormasyon ng Agoncillo police sa pagkakakilanlan ng salarin.