7 patay sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Pepito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 patay sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Pepito

7 patay sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Pepito

Mina Trinidad,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 21, 2024 05:52 AM PHT

Clipboard

7 patay sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Pepito. Photo courtesy of PDRRM Nueva Vizcaya

MAYNILA -- Pito ang patay sa barangay Labang sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya matapos ang paghagupit ng bagyong Pepito, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa disaster office ng probinsya, natabunan ang bahay ng magkakamag-anak na nasa gilid ng bundok ang bahay, at nakisilong ang iba pa nang tumama ang bagyo. 

Tatlo ang na-rescue pero pitong bangkay ang narekober. 

Umabot sa 4,297 na indibidwal o 1,198 na pamilya ang nag-evacuate nang manalasa ang bagyong Pepito, na umabot sa lakas ng super typhoon nang tumama ito sa bansa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Gov. Jose Gambito, Biyernes pa lamang ay nagbabala na sila para sa evacuation subalit nabigla umano ang lahat dahil maging mga hindi nababahang lugar ay tumaas ang antas ng tubig.

Nakapagtala ng mga nagibang dike, natumbang poste, namatay na mga alagang hayop at hindi pa mabilang ang mga bahay na nagiba at nilipad.

Wala ring kuryente sa lugar ayon sa Nueva Vizcaya Electric Cooperative. 

Bagama't bukas ang daan patungong Maynila, maraming natumbang mga puno at sanga ng kahoy na nakalaylay maging mga linya ng kuryente.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.