Online seller, asawa patay sa pamamaril sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Online seller, asawa patay sa pamamaril sa Pampanga

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Oct 06, 2024 05:56 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2024 08:54 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MEXICO, PAMPANGA— Patay ang isang online seller at mister nito matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mexico, Pampanga nitong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu.

Ayon kay Alicia Dayrit Lulu, ina ni Arvin, may kinatagpo noon ang mag-asawa na kliyente sa kanilang online business.

Pauwi na sana sila nang tambangan ng riding-in-tandem.
Pauwi na sana sila nang tambangan ng riding-in-tandem.
ADVERTISEMENT
“Nabigla po syempre. Hindi naman namin akalain na ganun mangyayari kasi alam po namin, walang kaaway ‘yung mag-asawa, mabait po sila, mapagmahal,” sabi ni Alicia.

“Walang kasing sakit po ‘yung ginawa niyo sa mga anak namin. Hindi ko po kaya hanggang ngayon,” hinagpis niya.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang sinasakyang itim na pick-up ng mag-asawa na kasunod ang isang motorsiklo.

Pagdating sa Barangay Sto. Rosario, huminto sa may gilid ng kalsada ang motorsiklo at bumaba ang dalawang lalaking sakay nito.

Naglakad sila papunta sa pick-up kung saan pinaulanan ng bala ang dalawang biktima.
Naglakad sila papunta sa pick-up kung saan pinaulanan ng bala ang dalawang biktima.
ADVERTISEMENT
“Nakita natin they’re already tailing the victims’ vehicle. Tatlo po ang tama ni Ms. Lerma at anim naman po ang tama ni Mr. Arvin po,” ani P/Lt. Col. Pearl Joy Gollayan, hepe ng Mexico MPS.

“Sa dami ng bala po, sa dami ng cartridges na nakuha, both po talaga ang target siguro nila,” dagdag niya.

Nakaligtas naman ang 6-taong gulang nilang anak at isa pang pinsan ni Lerma na kasama nila sa loob ng sasakyan.

“Dun po kami lalong nalulungkot kasi 6 years old, mawawalan ka ng nanay at saka tatay, kawawa,” daing ni Maritess Lulu, tiyahin ni Lerma.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang.
ADVERTISEMENT
“As to the accounts ng mga family po nila, business at saka po may nai-mention si Ms. Lerma sa family niya na may hindi daw nagbabayad ng utang,” sabi ni Gollayan.

“Hindi po kami nag-aano sa single motive, tinitingnan pa kung ano ang concrete na motive,” dagdag niya.

Iniimbestigahan na rin nila ang kliyente na naunang kinatagpo ng mag-asawa.

Nananawagan naman ang pamilya ng mga biktima na sumuko na ang mga suspek para makamit ang hustisya.

“Sana kung sino man ‘yung nagpagawa nito sa kanila, kasi mukhang hard killer e. Sana usugin ka ng konsensya mo kasi ‘yung kinuhanan mo ng buhay, ang daming umaasa sa kanila. Dahil mga senior na ‘yung mga nanay at tatay nila,” sabi ni Maritess.

May persons of interest na ang mga pulis at patuloy pang tinutugis ang mga suspek.

Samantala, magbibigay naman ng P100,000 pabuya si Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo sa kung sino ang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sangkot sa pagpatay sa mag-asawang online seller.

Sa isang pahayag, sinabi ni Garbo na bagamat sa Mexico, Pampanga nangyari ang pamamaril, kapwa mga residente ng kanilang siyudad ang mga biktima.

Ipinabot niya ang pakikiramay sa mga naulilang pamilya at nakikipag-ugnayan na rin sila sa pulisya para mapanagot ang mga salarin.