Vice Mayor Jay Ilagan lalabanan sa pagka-gobernador si Vilma Santos-Recto sa Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice Mayor Jay Ilagan lalabanan sa pagka-gobernador si Vilma Santos-Recto sa Batangas

BATANGAS — Isang dating coordinator at tagakabit ng mga tarpaulin ng pamilya Recto na ngayon ay kasalukuyang vice mayor ng bayan ng Mataasnakahoy ang sinasabing magiging mahigpit na katunggali ni Vilma Santos-Recto sa pagka-gobernador ng Batangas.

Naghain na ng certificate of candidacy sa Commission on Elections sa Batangas para sa posisyon na gobernador si Vice Mayor Jay M. Ilagan na sinamahan ng kanyang supporters.

"Kaya lamang tayo ay nangangarap, hindi naman tayo lifetime coordinator lamang at tagapagkabit ng tarpaulin, nangangarap din akong maging ama ng lalawigan sa 2025,” sabi ni Ilagan matapos ang kaniyang paghahain ng certificate of candidacy.

Ayon kay Ilagan, 30 taon na niyang pinaghandaan si Vilma Santos-Recto na makaharap sa laban sa pagka-gobernador. Hindi umano siya kinakabahan na isang sikat ang kaniyang makakalaban.

“May bago na pong sikat ngayon, at yun ay si Jay Manalo Ilagan,” sabi pa ni Ilagan.

Tila may pasaring naman si Ilagan kay Santos-Recto nang kaniyang sabihin na siya ay laging malalapitan at laging nasa Batangas para magtrabaho.

“Ang pagkakaiba ko lang advantage ko anumang araw, anumang oras, anumang minute, si Jay Ilagan ay makikita sa Batangas, si Jay Ilagan ay napupuntahan sa bahay, si Jay Ilagan ay rumesponde sa lahat ng pangangailangan ng bawat Batangueño. Hindi representative, tayo mismo ang haharap sa taong bayan,” sabi pa niya.

Kung mahahalal na gobernador, isusulong ni Ilagan ang pagiging world class ng Batangas sa pamamagitan ng pagbuo ng Batangas Bay Metropolitan Authority o BBMA.

“Ang mangyayari dito ay parang sa bansang Singapore, dito sa Batangas makikita ang lahat ng international na barko, at tunay na isang world class itong BBMA,” dagdag pa niya.

Kabilang sa tututukan niya ay ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, turismo at kapakanan ng mga magsasaka.

Bukod kay Ilagan at Santos-Recto, naghain na rin ng COC para sa pagka-gobernador ang dating 1-Care Party-list representative at mayor ng Padre Garcia na si Mike Rivera.

Read More:
Vice mayor Jay Ilagan
Mataasnakahoy
Batangas
governor Vilma Santos Recto
Halalan 2025
Comelec
ABSnews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT