13 Chinese na konektado sa illegal mining sa Homonhon Island inaresto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
13 Chinese na konektado sa illegal mining sa Homonhon Island inaresto

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Labing tatlong Chinese ang inaresto sa Homonhon Island, Eastern Samar ngayong Miyerkules, October 30, dahil sa paglabag sa immigration laws kasunod ng dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad laban sa iligal na pag-mimina.

Nagsanib pwersa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Armed Forces of the Philippines, at ng PNP Eastern Visayas sa nasabing operasyon.

Bistado ang dalawang Chinese companies na sinasabing sangkot sa iligal na pagmimina kabilang na ang Rockstar Contract Solution Incorporated at Global Min Met Mining Company. Sampu sa mga naaresto ay mula sa Rockstar Contract , tatlo naman ay mula sa Global Min Met.

Sa panayam kay PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz sa Teleradyo Serbisyo Huwebes ng umaga, sinabi niyang walang permit ang mga Chinese companies

“Sa DENR wala silang permit. Itong mga Chinese workers na ito, mga fake 'yung alien employment permit nila. Even yung BIR records nila yung tax payment nila ay fake. Siguro taon na rin silang nag-o-operate,” ayon kay Cruz.

Maganda rin, ani Cruz, na mainbistigahan ang LGU na nakaka sakop dito.

“Every time na nakakahuli tayo ng ganito, kailangan iniimbestigahan din ang local government. Sila yung nakakakita dito, imposible kasi.

"Chromite ang kinukuha nila dito sa nickel, ginagamit ito sa paggawa ng stainless at baterya," dagdag niya.

Pero ang masaklap, ayon naman kay PAOCC spokesperson Winston Casio, ang pagmimina ay isinasagawa malapit sa EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites.