3 miyembro umano ng 'dura-dura gang' arestado sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 miyembro umano ng 'dura-dura gang' arestado sa Cavite

CAVITE —Naaresto ng Bacoor City Police ang tatlong miyembro umano ng ‘"dura-dura gang’" matapos na masundan ang mga ito ng mismong kanilang nabiktima sa Barangay Molino 3, hapon nitong Lunes, Oktubre 28.

Kuwento ni Diana Marie Ballesteros, pauwi na siya nang sumakay din sa sinakyan niyang jeep ang mga suspek. Pinaggitnaan umano siya ng dalawang babaeng suspek, habang umupo naman sa tapat niya ang lalaking kasabwat.

Dagdag ng biktima, habang nasa gitna ng biyahe, dito na isinagawa ng mga suspek ang modus.

“Yung dura po dito po [sa balikat ko], dito, tapos sa hair ko po, sobrang baho po, hindi mo na... Sobrang baho po talaga, parang sabi nga po dura,” sabi ni Ballesteros.

Ayon pa sa biktima, ang mga katabing babaeng suspek pa ang nagsabi umano sa kanya na may dura siya at siya ring tumulong na linisin pa ito.

“Nag-thank you pa nga ako kasi nagbigay ng alcohol, nagbigay ng tissue hanggang sa na distract po ako, 'yun pala kinukuha na pala cellphone ko, bukas po yung bag ko,” sabi ng biktima.

Ayon naman sa PNP, ang lalaking suspek ang nagsabi sa biktima na natangay umano ng bumabang pasahero ang kanyang cellphone.

“According sa suspek na lalake na nasa harap ng biktima ay nakuha 'yung cellphone niya, so sa panic ng biktima natin ay bigla siyang bumaba ng jeep at humingi ng tulong sa rider na kasunod ng jeep atsaka naalala ng biktima na baka modus lang ito,” sabi ni Police Captain Junray Caimor, Chief Investigator ng Bacoor CPS.

“Hindi ko na po naisip yun [na modus], napaisip na lang ako nung bumaba na ako ng jeep kasi nangyari din po iyan sa kaibigan ko, doon ko narealize ay ganun din po pala,” sabi ni Ballesteros.

Nakuha ng mga suspek ang kanyang cellphone na ginagamit niya sa pag-aaral.

Sa tulong ng isang rider nasundan ng bikitma ang mga suspek.

“Hinabol po namin, so salamat naman po kasi may tumulong naman sa akin na lalake na naka motor. Pinuntahan po namin 'yung jeepney driver, sabi naman po ng jeepney driver bumaba din daw po agad at nagmamadali po sila bumaba,” sabi ni Ballesteros.

Sa tulong din ng taumbayan, naituro na sumakay ng isa pang jeep ang mga suspek. At nang makorner ang mga ito, dito na sila naaresto ng taumbayan at ng mga pulis.

“Sabi nila sila daw nasunugan kaya nagawa ang krimen na ito,” sabi ni Caimor.

Nakuha sa suspek ang cellphone ng biktima, pero wala na itong sim card.

“Sabi nila hindi sila magkakilala pero nakita ko 'yung phone ko na pinasa-pasa na tapos maya-maya binigay na rin sa akin nung isang babae, sabi 'Ma’am pakawalan niyo na lang kami tapos binigay ang cellphone',” sabi ni Ballesteros.

May paalala naman ang PNP sa publiko.
May paalala naman ang PNP sa publiko.
“Ang kanilang modus ay lilituhin tayo, lalong lalo na sa mga pampasaherong jeep, pampasaherong bus na lilituhin tayo ng mga suspek and sasabihin nila may dura sa balikat natin yun pala natangay na ang mga gamit natin mga importanteng bagay,” sabi ni Caimor.

Tumanggi ang mga suspek na magbigay ng pahayag at sa korte na lang magsasalita.

“Gusto ko lang po sabihin na may mga anak din po kayo, paano po kaya kung mangyari po 'yun sa kanila? Sana po huwag na po nila gawin, isa lang po ako simpleng estudyante,” ang sabi naman ng biktima.

Nakakulong na sa Bacoor Custodial Facility ang mga suspek na nasampahan na ng reklamong theft.

“So inaasahan natin na meron pa itong kasamahan kasi sa tingin ko malaking grupo ito sir," sabi ni Caimor.

Hinihikayat naman ng Bacoor City Police ang iba pang posibleng nabiktima ng grupo na na makipag ugnayan sa kanilang himpilan para sa masampahan ng karagdagang kaso ang mga suspek.