Baha sa Bula, Camarines Sur, abot leeg pa rin; mga residente, hindi pa naaabutan ng tulong | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baha sa Bula, Camarines Sur, abot leeg pa rin; mga residente, hindi pa naaabutan ng tulong

Nicole Frilles
Published Oct 26, 2024 11:16 AM PHT

CAMARINES SUR — Makulimlim ang langit at tumila na ang ulan ngunit abot-leeg pa rin ang baha sa ilang barangay sa bayan ng Bula, Camarines bandang umaga ng Sabado, Oktubre 26.

Lubog pa sa baha hanggang ngayon ang Barangay Bagumbayan, Barangay Sagrada, Barangay San Roque Poblacion, Barangay Salvacion, Barangay San Jose, Barangay Fabrica at Barangay Causip ng nasabing bayan.

Dahil sa lalim ng tubig, hindi pa rin mapasok ng kahit anong sasakyan ang mga naturang lugar. Kaya naman ang mga residenteng walang ikalawang palapag ang bahay, walang magawa kundi mananatili sa kani-kanilang bubungan.

Ayon kay Jayson Dela Cruz Solis, residente ng Barangay San Roque Poblacion, gutom at uhaw na ang mga residente sa kanilang barangay dahil wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Inaasahan naman ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Bula, Camarines Sur para sa site inspection ng apektadong lugar bago pumunta sa Naga City ngayong araw.

RELATED VIDEO
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT