20 bahay nabaon sa landslides sa Libon, Albay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

20 bahay nabaon sa landslides sa Libon, Albay

20 bahay nabaon sa landslides sa Libon, Albay

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

Clipboard

Umabot na sa 20 bahay ang naapektuhan sa dalawang landslide sa Zone 3, Barangay Burabod, Libon, Albay nitong Miyerkules at Huwebes dahil sa paghagupit ng bagyong Kristine.

Sa landslide nitong Miyerkules, ayon kay Audrey Reolo na siyang nakapag-video sa pangyayari, katitigil lamang ng malakas na pag-ulan nang magsimulang bumigay ang lupa at umagos ang putik mula sa mataas na lugar na nasa likod ng mga bahay.

Umabot ito sa mga nakahilerang bahay sa gilid ng highway at tinatayang nasa 10 dito ang naapektuhan.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil nasa labas ang mga nakatira at una nang lumayo nang mapansin ang nagbabantang pagguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

Inilikas ang mga apektadong residente sa evacuation center sa San Vicente Elementary School.

Subalit nitong Huwebes ng madaling-araw, muling nagkaroon ng landslide sa parehong lugar habang nagsasagawa ng clearing operations ang isang farmers' association at ang mga tauhan ng gobyerno.

Nadagdagan pa ang mga bahay na natabunan ng lupa na tinatayang 20 na ang kabuuang bilang.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Erwin Perez, isang 60-anyos na lalaki ang nawawala.

Nagsasagawa pa ng search and rescue operation ang mga awtoridad para mahanap ang biktima.

KAUGNAY NA ULAT:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.