“Rainbow Rumble” nakakuha ng mahigit 908K online viewers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
“Rainbow Rumble” nakakuha ng mahigit 908K online viewers

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Nov 02, 2024 12:39 AM PHT
|
Updated Nov 02, 2024 12:43 AM PHT

Binasag ng “Rainbow Rumble” ang kanilang all-time high viewership record matapos makapagtala ng pinagsama-samang peak concurrent viewers na 908,861 sa Kapamilya Online Live noong nakaraang weekend (Oktubre 26 at 27), tampok ang “Lavender Fields” cast at Streetboys.

Noong nakaraang Sabado, sinubukan ng “Lavender Fields” stars na sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Eric Nicolas, Bernard Palanca, at Cheena Crab ang kanilang suwerte sa game show. Maswerteng man si Janine na nanguna sa elimination round ngunit bigo siyang nakuha ang jackpot prize at nag-uwi pa siya ng P82,000.

Hindi naman napigilan ng netizens ipadama sa social media ang kilig sa pagsali ng EchoNine sa “Rainbow Rumble.”

"Napakilig kami ni Janine at ni Jericho sa Rainbow Rumble. Iba ang charisma nilang dalawa, nakakainlove po sila. Sana po maging guest ninyo silang muli sa programa ninyong Rainbow Rumble," sey ni Rosario Lerit Garcia sa Facebook.

Samantala, sumali rin sa show noong Linggo (Oktubre 27) ang iconic na ‘90s dance group na Streetboys members na sina Vhong Navarro, Danilo Barrios, Christopher Cruz, Meynard Marcellano, at Joey Andres. Tulad ng episode noong Sabado, hindi rin nakuha ng naka-abanteng rumbler na si Meynard ang jackpot prize ngunit nanalo pa rin siya ng P82,000.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin ang grupo ng komedyante at influencers na sina Xilouette, Pooh, Yobab, Ethel Booba, at Kim Molina at ang advertisers ng Sun Huddle Room Agency sa susunod na linggo.

Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo, 7:15PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15PM sa TV5.

Read More:
ABS-CBN
ABS-CBN Entertainment
Entertainment
EchoNine
Jericho Rosales
Janine Gutierrez
Eric Nicolas
Bernard Palanca
Cheena Crab
Lavender Fields
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT