Emilio Daez, tinanghal na pangalawang milyonaryo sa “Rainbow Rumble” | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Emilio Daez, tinanghal na pangalawang milyonaryo sa “Rainbow Rumble”

Emilio Daez, tinanghal na pangalawang milyonaryo sa “Rainbow Rumble”

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Aug 30, 2024 11:23 PM PHT

Clipboard

Wagi bilang pangalawang “Rainbow Rumble” master ang “Pamilya Sagrado” star na si Emilio Daez matapos mapanalunan ang tumataginting na P1,062,000 noong Sabado (Agosto 24).

Maswerteng nakuha ni Emilio ang anim na unique colors sa jackpot round na ‘Rainbow Reveal,’ dahilan upang maiuwi niya ang P1 milyong papremyo.

Sa elimination round na ‘Rally to the Top,’ nanalo na rin si Emilio ng P62,000 matapos niyang maunahan ang kapwa cast members at rumblers na sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Jeremiah Lisbo, at Daniella Stranner

Rainbow rumble

Nadagdagan rin ng dalawang segundo ang oras ni Emilio sa jackpot round matapos niya masagot ang isa sa anim na rapid rumble questions. Sa loob nga ng 49 segundo ay nakuha niya ang lahat ng unique colors para manalo sa game show. Tinanghal na pangalawang milyonaryo sa “Rainbow Rumble” si Emilio matapos ang pagkapanalo ng mamamahayag na si Raphael Bosano.

ADVERTISEMENT

Noong nakaraang Linggo (Agosto 25), sinubukan naman ng mga LGBTQIA+ pageant queen na sina Anne Patricia Lorenzo, Matmat Centino, Mitch Suansane, Sashi Esmeralda, at Ralph Romero ang kanilang suwerte sa “Rainbow Rumble.” Napagtagumpayan ni Anne talunin ang kapwa pageant queens sa elimination round ngunit kinapos siyang makuha ang anim na unique colors upang manalo ng jackpot prize. Gayunpaman, nag-uwi pa rin siya ng P82,000 na napanalunan niya sa elimination round.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin kaya ang Rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo, 7:15PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15PM sa TV5.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.