ALAMIN: Mga kasunduang inaasahang lagdaan ni Duterte sa Israel, Jordan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga kasunduang inaasahang lagdaan ni Duterte sa Israel, Jordan

ALAMIN: Mga kasunduang inaasahang lagdaan ni Duterte sa Israel, Jordan

ABS-CBN News

Clipboard

Kasunduan patungkol sa pagpapadala ng Filipino caregivers at domestic workers sa Israel at Jordan ang mga pakay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang bansa sa Setyembre 2-8.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, isa ito sa mga inaasahang lalagdaan sa naturang pagbisita.

Nakatakdang magpirmahan sa Israel ng isang memorandum of agreement on employment of Filipino caregivers kung saan mapapaayos pa ang employment procedure at matatanggal ang masyadong mahal na placement fees para sa mga Pinoy.

Sa Jordan naman, inaasahan rin ang isang memorandum of agreement para mas gawing ligtas ang recruitment, deployment, at arrival ng Filipino domestic workers sa kanilang bansa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Abella, padadaanin na ang mga Pinoy sa matutukoy na licensed Jordanian recruitment agencies na siyang makikipagtulunagn sa lehitimong agencies dito sa bansa.

“The agreement provides that the recruitment and employment of Filipino domestic workers will be governed by standard employment contract and other measures that will ensure protection of the rights and welfare of works,” ani Abella.

Ayon pa sa opisyal, nasa higit 28,000 Pilipino ang nasa Israel, habang nasa higit 40,000 naman ang sa Jordan kaya't importante rin kay Duterte na matingnan ang kanilang kundisyon sa mga nasabing bansa.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.