Pinoy sa Italya pinagsasaksak ng kababayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy sa Italya pinagsasaksak ng kababayan

ABS-CBN News
Published Jul 08, 2018 07:39 PM PHT

MANILA - Patay ang isang Pilipino sa Padova, Italy matapos umanong pagsasaksakin ng kababayang nakaalitan niya dahil sa selos.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ilang beses nang hinamon ng away sa social media ng biktimang si Walter Crispin Sahagun, 51, ang suspek dahil sa hinalang may relasyon ito sa kaniyang dating kinakasama.

Nitong Huwebes, nag-away umano si Sahagun at ang 36-anyos na suspek sa isang parking lot.

Patay na ang biktima at tadtad ng saksak sa braso, binti at mukha nang matagpuan ng mga pulis. Nakatakas naman ang suspek, pero nahuli siya kalaunan sa tulong ng mga saksi.

Narekober sa crime scene ang 2 katana o Japanese sword.

Nakuha naman sa sasakyan na ginamit ng biktima ang isang compressed air pistol at backpack na may pera, alahas at pasaporte.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag sa harap ng camera ang anak ng biktima dahil pinagbawalan na umano siya ng mga pulis. Ipinauubaya aniya ng kaniyang pamilya ang imbestigasyon sa mga awtoridad.

Ulat ni Mye Mulingtapang, ABS-CBN News Europe News Bureau
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT