Mga nagbuwis buhay sa Bataan death march, binigyang pugay sa S. Korea | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nagbuwis buhay sa Bataan death march, binigyang pugay sa S. Korea

Mga nagbuwis buhay sa Bataan death march, binigyang pugay sa S. Korea

Gennie Kim | TFC News South Korea

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

SOUTH KOREA - Ginunita ng mga Pilipino sa South Korea ang Araw ng Kagitingan para bigyang pugay ang mga nakipaglaban para sa kalayaan at kapayapaan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Higit animnapu’t-anim na libong sundalong Pinoy at higit sampung libong Amerikanong sundalo ang naglakad mula Bataan hanggang Camp O'Donnell sa Capas, Tarlac walumpu’t-isang taon na ang nakalilipas.

Kaya sa South Korea, inorganisa ng Filipino-US soldiers ang Bataan Death March memorial event sa Suwon Air Base.

“This is actually my second one to organize...the reason I did it to honor my grandfather Col. 2nd Lt. Guzman in the Bataan Death March back in 1942, I try to do this every year if I can to honor his memories and to all the heroes who came before us,” pahayag ni Capt. Cathy Reyes, Commander ng F/6-52 ADA, Suwon Air Base.

ADVERTISEMENT

Gaya ng nangyari noong World War II, naglakad ng higit 13 hanggang 22 miles ang isandaan at walumpung sundalong sumali.

Buhat-buhat din nila ang ilang mabibigat na bagay bilang pag-alala sa mga sakripisyo ng mga bayaning sundalong Pinoy at Amerikano.

“Napakagandang karanasan po ito kasama ang ating mga kasundaluhang Amerikano, Koreano at tayo taga embassy, Filipino Community...nagkaisang ipinagdiriwang sana sariwa ang Bataan Death March o Araw ng Kagitingan...simbolo po ng pagkakaisa natin para sa pagtatangol sa kalayaan,” sabi ni Consul General Romulo Victor Israel, Jr. ng Philippine Embassy sa Seoul, South Korea.

“I am really honored organizing this event because this is more than the death march...especially when I am looking at the history...just remember death march...this is what we do to honor them...,” ani First Lieutenant Roberto Urizar, Staff Sergeant Decameron Granger.

Nagtapos ang paggunita sa isang boodle fight kung saan sabay-sabay kumain ang mga sundalong nakilahok habang nagkakamay.

Nangako ang mga organizer na gagawin ito taun-taon bilang pagbibigay parangal at paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong Pinoy at Amerikanong nagbuwis ng buhay sa Bataan death march.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.