Tradisyon ng conclave galing sa pinakamatagal na botohan para sa Santo Papa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tradisyon ng conclave galing sa pinakamatagal na botohan para sa Santo Papa

Tradisyon ng conclave galing sa pinakamatagal na botohan para sa Santo Papa

Zen Hernandez,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA—Tutok ang atensiyon ng mundo ngayon sa pagsisimula ng papal conclave na pipili sa magiging kapalit ng namayapang si Pope Francis. 

Nagsimula ang mahalagang tradisyon na ito noong 1200s sa siyudad ng Viterbo sa Italya nang ipatawag ang 24 kardinal nang pumanaw si Pope Clement IV. 

Isang pambihirang katangian ng conclave ang pagkukulong ng mga cardinal at ang kawalan nila ng pakikipag-ugnayan sa sino man sa labas hanggang may maipakilalang bagong Santo Papa. 

Sa pamamagitan lamang kasi nito naresolba at nakapagdesisyon ang mga kardinal sa magtatatlong taon nang pagpili ng Santo Papa mula 1268 hanggang 1271. 

ADVERTISEMENT

Nang sa wakas ay mahalal si Cardinal Teobaldo Bisconti bilang Pope Gregory X, minandato na niya ang pagdaraos ng conclave sa pagpili ng magiging Santo Papa. 

 – Ulat ni Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino

Video produced with Winkie Bernaldez 



PANOORIN:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.