Lalaki dalawang beses ni-rescue mula Mt. Fuji sa iisang linggo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki dalawang beses ni-rescue mula Mt. Fuji sa iisang linggo

ABS-CBN News

Clipboard

Mount Fuji. AFP/File


Dalawang beses sinagip ang isang lalaki matapos ma-stranded sa Mt. Fuji sa loob lamang ng iisang linggo.  

Ayon sa pulisya, natagpuan ang Chinese university student ng isa pang hiker sa dalisdis ng bundok mahigit 3,000 metro above sea level noong Sabado. Ayon sa tagapagsalita ng Shizuoka region police, kinailangan i-airlift at naospital ang estudyante dahil sa altitude sickness o exposure sa manipis na oxygen levels at taas ng bundok.

Kalaunan, nalaman ng mga awtoridad na sinagip din ang estudyante mula sa Mt. Fuji, apat na raw lamang ang nakakaraan.

Hindi kaagad makumpirma ng mga pulis ang mga ulat na binalikan ng estudyante ang cellphone niya sa bundok matapos niyang maiwanan ito noong una siyang nasagip. Hindi rin nakumpirma kung nahanap ng lalaki ang nawawala niyang cellphone.

ADVERTISEMENT

Ang Mount Fuji ay isang aktibong bulkan at pinakamataas na tuktok ng Japan. Ito ay natatakpan ng niyebe sa halos buong taon.

Ang mga hiking trail nito ay bukas mula unang bahagi ng Hulyo hanggang unang bahagi ng Setyembre. Para maiwasan ang pagsisikip sa bundok, nagpatong ng entry fee na 4,000 yen ang gobyerno sa mga hiker na aakyat alinman sa apat na pangunahing trail ng Mount Fuji. 

Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.