Construction worker na wanted sa kasong frustrated murder arestado sa Pasig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Construction worker na wanted sa kasong frustrated murder arestado sa Pasig

Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published Apr 29, 2025 11:58 AM PHT
|
Updated Apr 29, 2025 12:54 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang 22-anyos na lalaki na isa sa tatlong suspek sa tangka umanong pagpatay sa isang lalaki na kanilang kainuman sa Cainta, Rizal.
Ayon sa Cainta Police, 2022 nang mangyari ang insidente kung saan nag-iinuman ang mga suspek at biktima na magkakakilala, sa tabing-kalsada sa Barangay San Andres.
"Ito'y pangkaraniwang inuman, doon nagsimula tapos siyempre mga lasing na, nagkaroon nang kursunadahan doon sa lugar. Parang asaran muna, mga lasing na po ito, wala na po sa katinuan ng pag-iisip, may saksakan pong naganap. May mga nasugatan po sa insidente 'yun," sabi ni Police Chief Master Sergeant Rey Allego, PIO ng Cainta Municipal Police Station.
Nahuli ang isa sa tatlong suspek, isang araw matapos ang insidente at nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
"Tatlo po 'yung suspek. Ang unang suspek po ay nahuli the following day after the incident. Ito namang si pangalawa ngayon, tatlong taon muna na nagtago bago nahuli. Tapos mayroon pa po na isa na pinu-pursue ng ating tracker team," sabi ni Police Chief Master Sergeant Allego.
Hapon ng Linggo, ika-27 ng Abril, 2025, nang maaresto ang akusado sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, kung saan siya nagtatrabaho bilang construction worker, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Antipolo Regional Trial Court noong November 2022. Tatlong taon siyang nagtago ayon sa PNP.
Itinuturing din ang suspek na rank number four Most Wanted Person ng Cainta Municipal Station.
Depensa ng lalaki, nadamay lang umano siya at hindi kasama sa mga umiinom. Aminado siya na nagtago ng dalawang taon sa Bulacan at isang taon sa Rizal.
"Natakot po ako nung una hindi ko po kasi alam ang gagawin kaya nagtago po ako," sabi ng akusado.
Nasa kustodiya na siya ng Cainta Police na nahaharap sa kasong frustrated murder na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Patuloy na pinaghahanap ng Cainta Tracker team ang isa pa nilang kasama.