Paano isinasagawa ang Papal Conclave? | Patrol ng Pilipino | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano isinasagawa ang Papal Conclave? | Patrol ng Pilipino

MAYNILA– Idineklarang “Sede vacante” o “the seat being vacant” ang papacy sa pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21. Hudyat din ito ng panahon na kinakailangang pumili ng susunod na Santo Papa.

Nagtitipon ang College of Cardinals sa Sistine Chapel sa tinatawag na papal conclave para pagbotohan ang susunod na lider ng Simbahang Katolika.

Closed-door ang pagtitipon at bagaman mayroong 252 na mga cardinal sa buong mundo, ang mga nasa edad pababa 80 lamang ang kabilang sa pagboto.

Dapat ganapin ang unang araw ng papal conclave sa loob ng 15 hanggang 21 araw mula nang mamatay ang Santo Papa. Walang itinakdang bilang ng araw para matapos ang Conclave.

Two-thirds na boto ang kailangan makuha ng isang ‘papabile’ o napipisil na maging Santo Papa.

Kapag may napili na ang College of Cardinals, tatanungin siya kung tatanggapin niya ba ang posisyon.

Pagkatapos i-aanunsyo na may bagong Santo Papa ang siya namang unang pagharap niya sa publiko para magbigay ng kanyang unang Apostolic blessing.

– Ulat ni Job Manahan, Patrol ng Pilipino
Video produced with Chim Cantos
Read More:
Patrol ng Pilipino
ABSNews
Pope Francis
The Vatican
Papal Conclave
College of Cardinals
St. Peter’s Basilica
Sistine Chapel
Catholic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT