Mga Pinoy inalala ang kabutihan, pagmamalasakit ni 'Lolo Kiko' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy inalala ang kabutihan, pagmamalasakit ni 'Lolo Kiko'

Myre Mulingtapang

Clipboard

Mga Pinoy inalala ang kabutihan, pagmamalasakit ni 'Lolo Kiko'
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

VATICAN — Habang patuloy ang pagdagsa ng mga mananampalataya upang magbigay-pugay kay Pope Francis, kasabay nito ang pagbuhos ng mga kuwento ng pag-ibig, pananampalataya, at pag-asa.

Isa na rito ang hindi malilimutang karanasan nina Fr. Ralph Adolfo, isang miyembro ng Franciscan Friars of the Immaculate, at ng guro sa International Philippine School in Italy (IPSI), Gainy Laine Garcia, kasama ang kanyang anak na si Chelsea.

Ayon kay Fr. Ralph, isang tahimik na Biyernes ng hapon noong 2022, isang araw bago ang paglalakbay ni Pope Francis patungong Malta, ay biglaan at hindi ipinabatid sa publiko ang kanyang pagdalaw sa Basilica of St. Mary Major upang manalangin sa harap ng imahen ng Our Lady, Salus Populi Romani.

Nang malaman ni Fr. Ralph ang balita, agad niyang ibinahagi ito sa mga kasamahan sa IPSI.

ADVERTISEMENT

“Ako lang ang unang nakatanggap ng balita, kaya agad kong sinabi sa mga guro, ‘paparating na ang Santo Papa! Bilisan ninyo!’” ani Fr. Ralph.

Isa sa mabilis na tumugon ay si Gainy Laine Garcia, na noon ay kasama ang kanyang 8-month-old na anak na si Chelsea.

“Lagi ko siyang isinasama sa school dahil pareho kaming nagtatrabaho ng asawa ko at walang mag-aalaga sa kanya,” aniya.

Nang dumating si Pope Francis, agad siyang dumiretso sa altar upang taimtim na manalangin. Matapos ang panalangin, kinuha ni Fr. Ralph si Chelsea mula kay Gainy upang ilapit sa Santo Papa. Sa sandaling iyon, ngumiti ang Santo Papa, hinawakan ang kamay ni Chelsea, binasbasan siya, at nakipaglaro sa kanya.

“Makikita mo talaga sa mata ng Papa ang saya tuwing nakakakita siya ng mga bata,” sabi ni Gainy, na halos maiyak sa tuwa sa nangyari.

ADVERTISEMENT

“Habang papaalis na siya, sinundan namin siya. Nang muli niya kaming makita, napansin niyang muli si Chelsea at masayang sinabi, ‘È la bambina!’"

Hindi doon nagtapos ang biyaya. Ilang buwan matapos ang tagpong iyon, sa isang kapilya sa loob ng Vatican mismo ay bininyagan si Chelsea—isang bihirang pagkakataong itinuturing ng pamilya bilang sagradong regalo. Makalipas ang mahigit dalawang taon, muling nakita ni Chelsea si Pope Francis sa World Children's Day sa Roma.

At ngayon, bilang halos apat na taong gulang na bata, si Chelsea ay muli nilang isinama sa loob ng Vatican—upang sa huling pagkakataon, magpaalam at muling makita ang Santo Papa na minsang ngumiti at nakipaglaro sa kanya.

“Isang biyaya ang lahat ng ito,” ani Gainy. “At habang lumalaki si Chelsea, baon niya ang alaala ng isang Santo Papang totoo ang malasakit—lalo na sa mga bata.”

Ikinuwento naman ni Father Ralph ang mga hindi malilimutang sandali at aral mula sa Santo Papa.

ADVERTISEMENT

“'Toccato ed essere toccato.' This is Pope Francis' usual gesture after his visit to the Chapel of Mary, Salus Populi Romani. And I was privileged and blessed to have greeted and touched him maybe 30 or 40 or 50 times in my 8 years of stay in his beloved Church S. Maria Maggiore. We have touched him and he has touched our lives that we will never forget evermore,” pagbabahagi ni Fr. Ralph.

Para naman kay Fr. Conrad Flores, isang simpleng tagpo, ngunit puno ng biyaya ang kanilang unang pagkikita ni Pope Francis.

Disyembre 2013, araw ng Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi, tahimik na dumalaw si Pope Francis sa Basilica ng Santa Maria Maggiore upang manalangin, bago ang kanyang pag-aalay ng bulaklak sa Piazza di Spagna.

Ang mga prayle, kabilang si Fr. Conrad, ay pinakiusapang manatili sa labas habang ang Santo Papa ay bumabati sa mga obispo sa sakristiya.

Ngunit sa mga sandaling iyon, may umudyok kay Fr. Conrad—isang taimtim na pagnanais na makita ang Papa. Sa tulong ng susi mula sa isang tahimik na pasilyo, nakapasok siya sa loob nang hindi napapansin.

ADVERTISEMENT

“And there, in the sacred stillness of the sacristy, it happened. Pope Francis noticed me. He looked directly at me, not with surprise, but with the warmth of a shepherd recognizing one of his own. He gently called me closer. 'Vieni qua' he said. And in that moment, I approached not as a stranger intruding, but as a son welcomed. I kissed his ring and met his eyes. There were no grand speeches but only the grace of presence, the humility of a pontiff, and the joy of an unforgettable encounter," ani Fr. Conrad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.