Dalawang high school students mula Cagayan, wagi sa English and Science Olympiad sa South Korea | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalawang high school students mula Cagayan, wagi sa English and Science Olympiad sa South Korea

Dalawang high school students mula Cagayan, wagi sa English and Science Olympiad sa South Korea

BMPM Intern,

ABS-CBN News,

Shane Gamboa

 | 

Updated Apr 15, 2025 08:20 PM PHT

Clipboard

Wagi ang dalawang high school students mula Lyceum of Aparri sa Cagayan na sina Lance Derald Auingan at Raesa Angela Juliana Imperio sa naganap na Southeast Asia Computer Science Olympiad at Global English Language Olympiad of Southeast Asia sa Incheon, South Korea nitong Abril 2 hanggang 5, 2025.

Ito ang masayang binahagi ng kapatid ni Lance Derald na si Bayan Patroller Jamaera Oliva na siyang sumama kay Lance sa kompetisyon sa South Korea. 

Proud si Patroller sa mga medalyang naiuwi ng dalawang mag-aaral at sa pagwawagayway nila ng bandera ng Pilipinas sa international stage.

Ayon kay Jose Michael Daje, isa sa mga organizers ng kompetisyon, isang pangunahing rason ang internet speed kung bakit South Korea ang napili nilang host country dahil higit itong kinakailangan sa Computer Science Olympiad. 

ADVERTISEMENT

Bukod sa ibang kinatawan ng Pilipinas ay kasama rin sa kompetisyon ang bansang Malaysia, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Thailand, at Myanmar.

Kinumpirma rin ni Daje na kapwa nakakuha ng diamond medal para sa Global English Language Olympiad of Southeast Asia - Secondary 1 and 2. 

Dito, nagpamalas sila ng pambihirang galing sa “reading comprehension, grammar and correct usage, essay writing, at iba pa.”

Nag-uwi rin ng silver medal si Lance sa Southeast Asia Computer Science Olympiad - Category 4 kung saan sinubok ang kanyang kakayahan sa “computer literacy at coding.”

Dagdag ni Daje, overall champion ang Pilipinas sa Global English Language Olympiad of Southeast Asia. 

Samantala, Malaysia naman ang wagi sa Southeast Asia Computer Science Olympiad.

“Always try your best and stay grounded, regardless of the achievements you may have,” mungkahi ni Lance sa mga kapwa niya estudyante na sasali sa mga international competitions.

Ibinahagi ni Bayan Patroller Jamaera na sa International Science and Mathematics Competitions naman ang kanilang balak salihan sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.