Mga Pinoy sa Swansea, pinuri dahil sa katatapos na Sinulog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy sa Swansea, pinuri dahil sa katatapos na Sinulog

Rose Eclarinal,
TFC News
Published Jan 30, 2025 05:59 PM PHT

Pasilip sa ilang eksena sa katatapos na “Feast Day Sto Nino de Cebu 25”
sa Swansea, Wales na pinangunahan ni Archbishop George Stack, Lord Mayor ng Swansea na si Cllr. Paxton Wood Williams at Ambassador Teodoro Locsin, Jr. | Jerms Mabalatan, TFC News, London

WALES, United Kingdom — Matagumpay ang naging pagdiriwang ng ika-15 taong Sinulog Festival sa Swansea, Wales na ginanap noong ika19 ng Enero 2025, sa panganguna ng asosasyong Sinulog Swansea Wales at dinaluhan ng mga Pinoy mula sa Wales at ibang panig ng England.

Ang banal na misa ay pinumunuan ni Archbishop George Stack, kasama sina Canon Jason Jons at Fr. Roderick Teriote.

Sa inilatag na programa, espesyal na panauhin sina Philippine Ambassador Teodoro Locsin, Jr at kanyang maybahay na si Louie Locsin; Deputy Head of Mission at Consul General Rhenita Rodriguez; Honorary Consul of Wales David Bentley-Miller; Paxton Hood-Williams, Lord Mayor of the City and County of Wales at Lady Mayoress Patricia Hood-Williams; at Lord Lieutenant of West Glamorgan Louise Fleet.

“The Sinulog, as you can see, draws everybody in. It is part of our identity and everybody, Filipino or native, can feel a part of,” sabi ni Locsin.

Jerms Mabalatan, TFC News, London

Sinamantala naman ni Lord Lieutenant of West Glamorgan Louise Fleet ang okasyon para pasalamatan ang mga Pinoy.

"I want to thank you so much for all that you do for our communities in Wales. I just think that what you do to our country and our community enriches us and it helps us to understand better what these ties of friendship is all about," sabi ni Fleet.

Sa pambihirang pagtitipon na ito, muling binalikan ang kasaysayan ng Sinulog at kung paano nagsimula ang debosyon sa Batang Hesus sa Pilipinas. May samut-saring pagbida ng kulturang Pinoy sa pamamagitan ng sayaw at kanta.

Special number ang pag-awit ni The Voice Kids UK 2020 winner Justine Afante.

Nagpagalingan din sa pagsayaw ng Sinulog dance ang mga grupong The Sacred Heart Sto Nino Devotees, at Sinulog Swansea Wales at espesyal na partisipasyon din ng Sinulog Queen of Essex Ruby Kao Mapentzithis.

“It was a wonderful celebration, a fantastic atmosphere,” saad ni Fleet.

Pinasalamatan ni Locsin ang mga Pinoy sa Swansea sa pag-organisa ng Sinulog celebration na nagsimula sa Cebu at ipinagdiriwang sa iba-ibang panig ng Pilipinas at mundo.

“The Sinulog dance, it’s like life. You need friends to dance with you, through life,” sabi ni Locsin.

Ang okasyon ay ginanap sa Brangwyn Hall sa Swansea, Wales, United Kingdom.