FACT CHECK: Hindi totoong walang inimbitahang world leader sa inagurasyon ni Trump | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi totoong walang inimbitahang world leader sa inagurasyon ni Trump

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Jan 03, 2025 08:44 PM PHT

Hindi totoong walang “head of state” ang inimbitahan sa gaganaping inagurasyon ni United Sates (US) President-elect Donald Trump sa Enero 20, 2025, taliwas sa pahayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Iniulat ng ilang media outlet tulad ng Daily Tribune at Philstar.com noong Enero 2 ang mga pahayag ni Romualdez na ito: “As a matter of policy, no head of state is invited. Only ambassadors based in Washington are invited.” Dagdag niya, “Since the 1800s, no head of state has been invited to the US presidential inauguration.”

Ngunit sa isang panayam kay Romualdez sa isang radio program, kinumpirma niyang inimbitahan ni Trump ang ilang world leaders pero iginiit na impormal lamang ang mga imbitasyong ito.

Sinabi ni Romualdez ang mga pahayag na ito bilang paliwanag kung bakit hindi dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang okasyon at kung bakit siya ang kakatawan sa Pilipinas.

Bago pa man ang mga pahayag na ito ni Romualdez ay nauna nang naiulat noong Disyembre 2024 na nagpaabot ng imbitasyon si Trump kina Chinese President Xi Jinping, Argentinian President Javier Milei, at Salvadoran President Nayib Bukele.

Hindi sinabi sa mga ulat tulad ng sa Associated Press, Forbes, at Miami Herald kung pormal o hindi pormal ang mga imbitasyong ito.

Bagaman totoong may inaugural invitation si Trump sa ilang world leaders, itinuturing ito bilang hindi pangkaraniwan at pagbali sa tradisyon ng paglilipat ng kapangyarihan sa bagong lider ng US.

Wala pang pangulo mula sa ibang bansa ang dumalo sa inagurasyon ng pangulo ng US mula noong late 1800s, ayon sa datos ng US State Department.

Sa isang report ng Miami Herald, isang US-based newspaper, sinabi ng presidential historian na si Thomas Balcerski na kadalasang itinatakda sa ibang araw ang pagpunta ng world leaders.

“A visit by a head of state is usually occasion for rolling out the red carpet. A joint press conference and state dinner typically follow,” paliwanag ni Balcerski. “On Inauguration Day, no such treatment would be afforded.”

Sa paghahanda sa inagurasyon ni noo’y US President-elect Barack Obama noong 2009, direktang nakasulat sa imbitasyon para sa mga ambassadors na hindi imbitado ang mga world leader dahil sa usaping seguridad.

Sa ngayon, si Milei pa lamang ang inaasahang dadalo ng inagurasyon ni Trump, samantalang wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Xi at Bukele.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Donald Trump
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
inagurasyon
United States
China
President Xi Jinping
President Javier Milei
President Nayib Bukele
misinformation
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT