Ilang parte ng Bicol binaha dahil sa habagat na pinalakas ng Bagyong Crising

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang parte ng Bicol binaha dahil sa habagat na pinalakas ng Bagyong Crising

Jonathan Magistrado,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Naapektuhan ang mga negosyong maagang nagbukas matapos bahain ang ilang kalsada sa sentro ng Aroroy, Masbate dahil sa malakas na ulan, Huwebes ng umaga.

Bahagyang nalubog ang ilang nakaparadang motorsiklo, kaya nagmadali ang ilan na itaas ang kanilang sasakyan.

Ayon kay Aroroy MDRRMO head Ronnie Atacador, sumabay sa ragasa ng tubig ng creek ang high tide kaya umapaw, at nagpabaha sa Bgy. Poblacion.

“So, nagsalubong ‘yong tubig talaga dala ng high tide kaya ‘yong kanal namin dito hindi masyadong maka-hold ng tubig kasi parang bumabalik ‘yong tubig,” saad nito.

Nalubog din ang ilang mabababang lugar dahil sa pag-apaw naman ng ilog, kaya umabot sa siyam na barangay ang binaha. May limang indibidwal ang lumikas muna sa Aroroy East Central School.

Bagama’t humuhupa na ang baha sa ilang lugar dahil mahina na lang ang ulan, inaasahan ng Aroroy-MDRRMO na posibleng madagdagan ang evacuees hangga’t pinaiigting ng Bagyong Crising ang epekto ng Habagat.

Ilang araw na rin inuulan ng Habagat ang kanlurang bahagi ng Camarines Sur, kaya sa bayan ng Balatan, pahirapan pa rin ang biyahe dahil rumagasa muli ang kulay putik na tubig sa spillway sa Bgy. Luluwasan.

Isang lalaki ang nagpilit na makatawid sa malakas na agos kahit ipinagbabawal ng Balatan-MDRRMO.

Ipinaubaya na ng Camarines Sur provincial government sa mga LGU at paaralan ang deklarasyon ng localized class suspension.

Sa Naga City naman, tuloy-tuloy ang mga taga-DPWH sa pagtanggal sa nakabarang basura at putik sa mga drainage para hindi bumaha, lalo’t may pasok ang mga estudyante kahit maghapong makulimlim at umuulan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.