Ilang kalsada sarado sa Ermita, Maynila matapos mahulog ang isang crane | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang kalsada sarado sa Ermita, Maynila matapos mahulog ang isang crane

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nakasarado sa mga motorista ang ilang bahagi ng Romualdez Street kanto ng U.N. Avenue, sa Ermita, Maynila matapos bumagsak ang isang crane mula sa isang construction site sa lugar, pasado alas-diyes, Martes ng umaga. 

Ayon sa paunang ulat mula sa Ermita Police, may binubuhat na semento ang crane nang biglang lumambot ang lupa na sumusuporta dito. Dahil diyan ay bumagsak ang bahagi ng crane sa transmission line ng Meralco. 

Walong transformers ang nadamay sa insidente kaya halos pitong oras nang walang suplay ng kuryente sa apektadong lugar. 

Ayon kay Barangay Kagawad Bernadette Esquita ng Bgy. 664, nasa 200 bahay o 450 individuals ang apektado ng power interruption sa lugar. Hindi pa kasama dito ang mga commercial buildings sa lugar. 

ADVERTISEMENT

Naantala naman ang midterm examination sa katabi nitong unibersidad dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente. 

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente, pero nagdulot ito ng matinding traffic sa lugar dahil nakasarado ngayon ang bahagi ng Romualdez St., kanto ng UN avenue. 

Nagpapatuloy pa rin ang restoration operation ng Meralco sa lugar. Target nilang maibalik ang suplay ng kuryente sa lugar mamayang alas siyete ng gabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.