QCDRRMO: 11 sa 40 air quality sensors nagtala ng hindi magandang hangin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

QCDRRMO: 11 sa 40 air quality sensors nagtala ng hindi magandang hangin

QCDRRMO: 11 sa 40 air quality sensors nagtala ng hindi magandang hangin

Kevin Alabaso,

ABS-CBN News

Clipboard

QCDRRMO: 11 sa 40 air quality sensors nagtala ng hindi magandang hangin
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Naglabas ng anunsiyo nitong Lunes ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na hindi maganda para sa kalusugan ang kalidad ng hangin sa nasabing lungsod.

Ayon sa ahensiya, ang paglala ng air quality index (AQI) ay sa nangyaring pagkakulob ng polusyon sa hangin dahil sa init na rin ng panahon.

"Marami kasi ang nakakaapekto dito (air quality) — majority ay dahil sa vehicular emmission... Naka-contribute din dito ang mainit na panahon na sometimes naii-stuck ang mga particulate matter sa ating atmosphere dahil nahaharangan ito ng mas maiinit na layer ng hangin," ani Ma. Bianca Perez, hepe ng QCDRRMO sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo  Johnson Ikwento Mo.

"Lalo pa ito lumalala kung nagkaroroon ng mga very local incidents tulad na din ng sunog. On an everyday basis, dahil sa vehicular traffic na andoon sa mga areas na 'yun [ang nakaaapekto sa paglala ng AQI]," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Dagdag ng opisyal, sa 40 na air quality sensors ng lungsod, 11 ang nakapagtala ng hindi magandang kalidad ng hangin sa Quezon City.

Nagpaalala naman ang ahensiya na sakaling hindi maganda ang naitala na kalidad ng hangin sa lugar, iwasang lumabas ng bahay lalo na ang mga may sakit sa baga.

Maaaring makita ang naitatalang kalidad ng hangin sa Facebook page ng Quezon City LGU upang malaman kung kinakailangan magsuot ng face mask sakaling lalabas ng bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.