Pag-ulan ng yelo naranasan sa Atok, Benguet | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-ulan ng yelo naranasan sa Atok, Benguet

Pag-ulan ng yelo naranasan sa Atok, Benguet

ABS-CBN News,

April Joy Salac,

BMPM Intern

Clipboard

Pag-ulan ng yelo naranasan sa Atok, Benguet
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakaranas ng hailstorm o pag-ulan ng yelo ang mga residente ng Atok, Benguet pasado alas-3 ng hapon noong Sabado de Gloria, ika-19 ng Abril 2025.

Isa sa mga nakasaksi ng hailstorm ay si Bayan Patroller Madelle Sarmiento, isang camper mula Nueva Ecija.

Aniya, noon lang niya naranasan ang pag-ulan ng yelo sa Atok kahit ilang ulit na siyang bumisita sa lugar.

Dagdag pa niya, ang pag-ulan ng yelo ay nagdulot ng kakaibang lamig sa kanilang camping.

ADVERTISEMENT

Sa weather advisory ng PAGASA, mula ika-18 ng Abril hanggang 20, nagkaroroon ng thunderstorms sa Atok dahil sa "easterlies" o ang hangin na nanggagaling mula sa silangan papuntang kanluran.

Ayon kay ABS-CBN News resident meteorologist Ariel Rojas, umuulan ng yelo kapag may malakas na thunderstorm.

"Lumalaki nang lumalaki ang mga nagbabanggaan at nagdidikitang maliliit na tipak ng yelo sa loob ngg thunderclouds. Bumabagsak sila bilang hail kapag masyado nang mabigat," aniya.

"Kadalasang kasinglaki lamang ng holen ang hail sa Pilipinas dahil mainit sa bansa. Mas madalas namang matunghayan ang hailstorms sa matataas na lugar kagaya ng Atok, Benguet dahil mas malapit ang mga ito sa base o ibaba ng ulap," dagdag ni Rojas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.