Ilang bahagi ng Leyte, binaha dahil sa shear line | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahagi ng Leyte, binaha dahil sa shear line

ABS-CBN News
Published Mar 20, 2025 04:54 PM PHT

Ilang kabahayan, palayan, at tindahan Leyte ang binaha dahil sa magdamag na buhos ng ulan dulot ng shear line nitong Huwebes.

Ibinahagi ni Bayan Patroller Recah Cabus mula sa Bgy. Bunga, Abuyog, Leyte ang binabahang kalsada na tanaw mula sa kaniyang sari-sari store.

Aniya, isang pulgada na lang bago maabot ng baha ang sahig ng kaniyang tindahan. Nagsimula umanong tumaas ang tubig sa lugar nila bandang alas-6 ng gabi nitong Miyerkules.

Ayon kay Roel Monteza, warning officer mula sa Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, alas-2 ng hapon ay nagsimulang umulan sa kanilang probinsya at lumakas ito bandang alas-5 ng hapon.

Saad niya, 4 a.m. ngayong Huwebes ay humina na ang buhos ng ulan.

Samantala, kita naman sa bidyo ni Bayan Patroller Jenifer Pernes Hugo mula sa Sitio Trucat, Bgy. Payao, Villaba ang mga palayan na dinagsa ng tubig at ilang tindahan na halos lumubog na dahil sa baha.

Video courtesy of Bayan Patroller Jenifer Pernes
Kuwento ni Almabeth Yurag, isa sa mga responder ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Villaba, bandang 1:30 p.m. ay sumasagip pa ng mga apektadong pamilya ang iba nilang rescue team sa iba’t ibang barangay sa Villaba kabilang ang Payao.

Sa ngayon, mayroon silang itinalagang evacuation center sa Bgy. Suba para sa mga kailangang lumikas na residente ng Villaba.

Ayon kay Monteza, apat na munisipalidad sa Leyte ang nakararanas ng pagbaha.

Kabilang dito ang Leyte, Villaba, San Miguel, at Mayorga. Kasalukuyang nagmo-monitor ang mga miyembro ng pronvincial rescue team sa bawat munisipalidad na naapektuhan ng baha. - Andreanna Martin, Alliah Dela Cruz BMPM Interns; Ranulfo Docdocan