MPV bumangga sa center island sa Mandaluyong, 5 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MPV bumangga sa center island sa Mandaluyong, 5 sugatan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lima ang sugatan matapos sumalpok sa center island ang isang multi-purpose vehicle o MPV sa Boni Avenue sa Mandaluyong, pasado alas-8 Linggo ng gabi, ika-9 ng Marso, 2025.
Ayon sa Mandaluyong PNP, limang magka-kaanak ang sakay ng MPV nang mangyari ang aksidente. Isang senior citizen ang drayber nito at lahat ng sakay ay nagtamo ng minor injuries.
Agad naman silang isinugod sa Mandaluyong City Medical Center.
Kwento ng isa sa mga biktima, nakatulog ang senior citizen na drayber at nagulat na lang sila nang bigla na silang bumangga sa center island. Galing sila sa San Mateo, Rizal at may ihahatid sa Mandaluyong.
"Medyo napikit-pikit na kasi kami lahat so it turns out na si father ko which is the driver, also pagod na rin. So napa-pikit, and nagulat po kami lahat may impact na," sabi ng isa sa mga biktima.
Mabilis na nailabas sa tumaob na sasakyan ang limang sakay ng MPV. Wasak ang kaliwang bahagi ng bumper at gulong ng sasakyan.
"Pagdating po namin doon nakataob na 'yung sasakyan tapos po nagdatingan na 'yung mga rescue team para dalhin po sila sa ospital. Conscious naman po sila lahat," sabi ni Jepoy Zamora na executive officer ng Barangay Malamig.
"Nung time po na nangyari 'yung insidente medyo umaambon po nang kaunti at natuluyan pong umulan," dagdag pa niya.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang limang sangkot sa aksidente kung saan ang isa ay kailangang tahiin ang tinamong sugat sa ulo.