4 lalaki arestado matapos umanong tangayain ang motorsiklo ng babaeng bibili sa tindahan sa Rizal

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 lalaki arestado matapos umanong tangayain ang motorsiklo ng babaeng bibili sa tindahan sa Rizal

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang apat na lalaki kabilang ang magkapatid matapos umanong tangayin ang motorsiklo ng 42-anyos na babaeng  bibili lang sana sa isang tindahan sa Rodriguez, Rizal.

Nagmamadali umano ang babae dahil umuulan at nakalimutang tanggalin ang susi ng kanyang motorsiklo sa Barangay San Isidro nitong Huwebes, sabi ni PLtCol. Paul Sabulao, chief of police ng Rodriguez Municipal Police Station.

“Isang minuto lang lumabas na agad siya at paglabas nga niya nakita niya sinampahan na ang kanyang motor at agad itinakbo ng grupo na ito," dagdag niya.

Agad nagkasa ng follow-up operation ang Rodriguez police at natunton ang mga suspek sa kubo sa isang liblib na lugar sa parehong barangay.

ADVERTISEMENT

Dito nakita ang ninakaw na motorsiklo ng biktima at iba pang chop-chop na bahagi ng motor.

"Kung medyo natagalan pa tayo nang kaunti doon sa follow-up operation, at hindi agad nakahingi ng tulong 'yung complainant, kung binalewala niya ay chop-chop na at hindi na niya makikilala 'yun," sabi ni Sabulao.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na grupo ang mga suspek at talamak na nagnanakaw at nagtsa-chop-chop ng motorsiklo sa lugar.

Dati na rin silang nakulong matapos masangkot sa pagsusugal at pagnanakaw.

Depensa ng mga suspek, "Hindi po 'yun totoo, napagbintangan lang po kami."

"Tambay lang po [kami],” sabi ng isa sa kanila.

Nakakulong na sa Rodriguez Police Custodial Facility ang mga suspek na nahaharap sa kasong carnapping.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.