Lalaking nanloob sa convenience store, huli matapos i-resell ang mga nakaw

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanloob sa convenience store, huli matapos i-resell ang mga nakaw

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa Rodriguez Police, dumulog sa kanila ang crew ng tindahan matapos mapanood sa CCTV na nilooban sila ng isang lalaki. Courtesy of Rodriguez Police via Christopher Sitson, ABS-CBN News

MAYNILA — Arestado ang isang 21-anyos na lalaki na nanloob sa convenience store sa Sitio Tanag, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, madaling araw ng Linggo.

Ayon sa Rodriguez Police, dumulog sa kanila ang crew ng tindahan matapos mapanood sa CCTV na nilooban sila ng isang lalaki.

Nalimas ng suspek ang mga pakete ng sigarilyo at mga tsokolate na may kabuuang halaga na mahigit P5,000.

“Lumusot ito sa kisame ng madaling araw, na-discover nga lang nung mga empleyado pagpasok nila ng 6:00 ng umaga at nakita nila may kalat-kalat na kaya agad silang tumawag sa atin sa pulis. Actually, hindi pera ang kinukuha niya, ang kinuha niya sigarilyo at chocolate,” sabi Lt. Col. Paul Sabulao, hepe ng Rodriguez Municipal Police Station.

ADVERTISEMENT

Nagkasa ng follow-up operation ang pulisya at dito natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

“May concerned citizen na nagbigay sa atin ng info na parang namumukhaan niya at nakita niya ‘yung taong iyon na umaaligid ng madaling araw,” sabi ni Sabulao.

Napag-alaman nila na nakatira sa parehong barangay ang kawatan na dati nang may record ng pagnanakaw.

“Nagtanong-tanong tayo sa mga tindahan doon at sinabi nga nila na mayroong isang lalaki rito na nag-aalok. Nire-resell niya,” sabi ni Sabulao.

Naaresto ang suspek sa tinutuluyang bahay pero itinanggi niya ang bintang.

ADVERTISEMENT

“Wala po, hindi po totoo ‘yun. Sa korte na lang po,” sabi ng suspek.

Nang tanungin hinggil sa mga naunang reklamo ng pagnanakaw sa lugar, paliwanag ng suspek, “Dati pa po ‘yun, bata pa po ako.”

Nakakulong na sa Rodriguez Police Custodial Facility ang suspek na nahaharap sa kasong robbery.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.