Pagtaob ng bangka sapul sa video matapos hambalusin ng buhawi sa Antique | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtaob ng bangka sapul sa video matapos hambalusin ng buhawi sa Antique

ABS-CBN News,
Ronel Escaniel
Published May 09, 2025 07:52 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa video ang pagtaob ng isang bangka na pangisda matapos hambalusin ng buhawi sa Brgy. San Angel, San Jose De Buenavista, Antique, nitong Huwebes ng hapon May 8, 2025.

Sa video na ibinahagi ni Miz's Leen Belloc, makikita ang nabuong makapal at maitim na ulap na naging ipo-ipo sa karagatan ng Brgy. San Angel.

Naging buhawi ito nang mapadpad sa lupa. Dinaanan nito ang isang bangka na tumaob.

Umabot sa lupa ang buhawi at nananalasa sa lugar.
Umabot sa lupa ang buhawi at nananalasa sa lugar.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Antique, 14 na pamilya ang apektado o nasa 66 na indibidwal at 11 bahay ang nasira dahil sa pananalasa ng buhawi.

Dalawang bangka naman ang naitalang nasira.

Walang may naiulat ang PDRRMO Antique na lumikas dahil sa pananalasa ng buhawi at patuloy na inaalam kung may nasaktan sa insidente.