Pekeng NBI agents, arestado sa Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pekeng NBI agents, arestado sa Laguna
Pekeng NBI agents, arestado sa Laguna
LAGUNA -- Arestado nitong Huwebes ang isang grupo ng mga indibidwal na nagpapanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos tangkaing magsagawa ng pekeng imbestigasyon kaugnay ng umano’y bilihan ng boto sa Brgy. Kabulusan sa Matikiw, Pakil, Laguna.

Bandang alas-10:50 ng umaga, lumapit ang mga suspek sa Pakil Municipal Police Station (MPS) at nagpakilalang nagsasagawa umano sila ng imbestigasyon sa isyu ng bilihan ng boto.

Sakay sila ng isang SUV at nagpakita ng mga umano’y NBI ID at badge.

Ipinakilala ng grupo ang kanilang sarili bilang mga ahente ng NBI mula sa Main Office sa Pasay City.
Ipinakilala ng grupo ang kanilang sarili bilang mga ahente ng NBI mula sa Main Office sa Pasay City.
ADVERTISEMENT
Agad na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa NBI Legal Service at NBI Laguna District Office, at napag-alamang hindi lehitimong kawani ng NBI ang mga naturang indibidwal.

Isinagawa agad ang hot pursuit operation, at bandang alas-3:15 ng hapon, nasabat ang mga suspek sa harap ng Kabulusan Elementary School.

Nang halughugin ang kanilang sasakyan, narekober ang ilang gamit gaya ng pekeng NBI ID, pekeng badge, dalawang baril, at mga bala.

Kabilang sa mga naaresto ang isang dating pulis. Dinala sila sa Pakil Municipal Police Station para sa karagdagang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Patuloy ang imbestigasyon upang alamin ang motibo ng mga suspek.