Mga nagpipicnic sinagip sa biglang pagragasa ng tubig ng ilog sa Pugo, La Union | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nagpipicnic sinagip sa biglang pagragasa ng tubig ng ilog sa Pugo, La Union

ABS-CBN News,
April Rafales
Published May 07, 2025 01:12 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nabulabog ang mga nagpipiknik sa Tapwakan River sa Pugo, La Union sa biglang pagragasa at paglalim ng tubig bandang alas dos ng hapon, nitong ika-6 ng Mayo, 2025.
Ayon kay Bel Baldemor, naliligo sila sa ilog nang mapansing nag-iba ang kulay ng tubig kaya nagpasya silang umahon. Maya-maya pa ay tuluyan na ngang rumagasa ang ilog at lumalim ang tubig kaya nagpatunog ng malakas na sirena ang mga bantay sa ilog at pinaahon ang mga naliligo.
Walo ang kinailangang irescue kabilang ang isang babae na makikita sa video na nahirapang makaalis dahil sa lakas ng pagragasa ng tubig.
Rumesponde ang mga kawani ng Pugo MDRRMO at isa isang narescue ang apat na nasa gitna ng malalim na bahagi ng ilog at apat na iba pang nasa gilid ng mabatong bahagi ng ilog.
Kwento ni Bel, nagtataka sila kung bakit bigla itong nangyari dahil umambon lang naman nang mahina at di naman umulan. Nasa mabundok na bahagi ng Pugo ang Tapwakan river.