3 patay sa magkahiwalay na sunog sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay sa magkahiwalay na sunog sa Rizal

MAYNILA -- Tatlong tao ang nasawi sa magkahiwalay na sunog sa Antipolo at Cainta, Rizal nitong Linggo ng umaga.

Pasado alas-6 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Muntingdilaw, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Umabot ito sa first alarm bago tuluyang naapula bandang alas-7:35 ng umaga. Sa kabila nito, nakapagtala pa rin ng dalawang nasawi — isang 39-anyos at isang 14-anyos.

Samantala, isa namang 48-anyos ang nasawi sa Barangay San Isidro, Cainta habang tatlo ang sugatan sa sunog na nagsimula pasado alas-6 ng umaga. Umabot din ito sa first alarm at naapula bandang alas-7:02 ng umaga, ayon sa Cainta BFP.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang mga sanhi ng sunog.