Warehouse ng mga kable at PVC sa Batangas, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Warehouse ng mga kable at PVC sa Batangas, nasunog

Warehouse ng mga kable at PVC sa Batangas, nasunog

Bianca Dava,

ABS-CBN News

Clipboard

Makapal at itim na usok pa rin ang bumabalot sa Barangay Guinhawa sa Tuy, Batangas dahil sa nasusunog na warehouse ng mga kable at polyvinyl chloride o PVC. 

Gayunpaman, tiniyak ng Bureau of Fire Protection Batangas na kontrolado at hindi na kakalat ang apoy, na patuloy nilang inaapula. 

Labingapat na firetruck ang rumesponde sa sunog na tumupok sa warehouse. Sumiklab ang sunog bandang 9 ng umaga. Umabot ito sa ikaapat na alarma. 

Ayon kay Batangas Provincial Fire Marshal Fire Senior Superintendent Dennis Molo, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil highly flammable ang mga materyales na nasusunog. 

ADVERTISEMENT

Ibig sabihin, kapag ito ay nasindihan, madali itong magliyab at kumalat. 

“Yung nasusunog kasi highly flammable materials. Yung mga wires na nakarolyo. Maselan talaga at matagal matupok,” aniya.

“'Yung nasusunog na material nakapile siya eh. So, basically, hindi mapenetrate sa ilalim,” ayon kay F/SSupt Dennis Molo, Provincial Fire Marshal ng BFP Batangas.  

Kinulang din ang mga bumbero sa supply ng tubig at “A Triple F” o ang klase ng foam na ginagamit sa pag-suppress sa mga class B fire, gaya ng mga flammable na bagay. 

Kaya hanggang ngayon, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga firetruck mula sa mga karatig-bayan, maging mula sa metro manila para tumulong.

ADVERTISEMENT

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog, pero isang bahay ang nadamay.

Bandang 4:30 ng hapon, pumunta sa pinangyarihan ng sunog si Batangas Vice Gov Jose Antonio “Mark” Leviste II para kamustahin ang mga residente.

Kinailangan daw kasing ilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa warehouse dahil sa makapal na usok. 

“Nandito tayo para tiyakin na nasa maayos ang ating lokal at maging kinatawan ng pamahalaang panlalawigan sa insidenteng ito,” aniya.

“Tinitiyak natin na sapat ang mga supply at pangangailangan ng ating firemen, volunteers at mga kabarangay.” 

ADVERTISEMENT

Tinatayang P315 million ang halaga ng pinsala sa sunog.

Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP Batangas kung ano ang pinagmulan ng apoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.