Magkapatid na biktima umano ng sexual abuse, nasagip mula sa sariling ina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkapatid na biktima umano ng sexual abuse, nasagip mula sa sariling ina

Magkapatid na biktima umano ng sexual abuse, nasagip mula sa sariling ina

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasagip ang magkapatid na menor de edad mula sa umano’y pang-aabuso ng sarili nilang ina sa Mabalacat, Pampanga nitong Huwebes.

Base sa ulat ng NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), natanggap nila ang impormasyon mula sa kanilang counterpart sa ibang bansa.

“May naaresto [sila] sa airport na isang foreigner na kung saan ay nakuha ang kanyang cellphone at sa kanyang cellphone ay nakuha ang numerong pointing to the Philippines,” ayon kay Atty. Olga Gonzales, hepe ng NBI-HTRAD.

Lumabas sa imbestigasyon na may nangyayari umanong pang-aabuso sa dalawang menor de edad sa pamamagitan ng pagkuha ng maseselan nilang larawan at video.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman na sarili nilang ina ang suspek sa pagbebenta ng mga sekswal na materyal sa mga dayuhan.

“Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ito last year, mga buwan ng November, December. Pero meron din pong impormasyon na nakuha kami na ‘yung nanay ay limang taon na nag-eengage sa ganitong klase ng hanapbuhay,” sabi ni Gonzales.

“Depende kasi kung ano ‘yung pinapagawa. So, minsan nasa $50 ganun to $100. Nagbigay po siya ng impormasyon na nung siya'y bata pa ay naabuso din siya. Kung kaya medyo parang nauulit ‘yung cycle ng abuse. At this time, ang abuser ay ‘yung nanay mismo,” dagdag niya.

Na-rescue ang dalawang menor de edad na nasa 8 at 10 taong gulang.

Inaresto naman ang kanilang ina na inamin ang pang-aabuso.

ADVERTISEMENT

“Dahil sa kakulangan sa pera. Mahal na mahal ko ‘yung mga bata pero kailangan kong pagbayaran ‘yung ginawa ko,” sabi ng suspek.

“Since ikaw ay naabuso in the past, dapat ang naging mantra mo is, kung ako ay magkakaroon ng sariling anak, lahat ng magagawa ko para protektahan sila, gagawin ko bilang isang ina,” payo ni Gonzales.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na reklamo habang sasailalim naman sa psychosocial intervention ang dalawang menor de edad.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.